FOREWORD ~ THIS BLOG CONTAINS HOMOSEXUAL STORIES WITH EXPLICIT LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Saturday, August 17, 2013

H.2 ~ Hence I Am Wrong

Monday // July 10, 2006

Gabi na ako umuwi sa bahay kahapon kaya ngayon lang ako nakapagsulat. As usual, galing ako sa Area C, at siyempre puro gala at kwento pa din, courtesty of the baklitas. Though may something interesting kahapon.
Dahil sinisita na ang buhok ko sa school , I decided na magpagupit kay Maribel. So iniwan muna nila kami dun sa parlor. Habang ginugupitan, nagkakwentuhan kami, kinamusta ko ang lovelife niya. Palagi daw siyang ginagamit ng mga lalaki, malungkot nyang kwento. Sa dinami-dami ng nagustuhan ni Maribel, lahat daw iyon halos pinerahan lang siya. Wala pang sumeryoso sa kanya. Kahit nagiging boyfriend nya ang isang lalaki, parang nakikipag-relasyon lang daw siya sa callboy, kasi kada chupa nya, kelangan lagi siyang may naiaabot na pera. Kung hindi, away ang kasunod. At ang ending most likely ay iiwan siya. Nakarami-rami na din daw siya to the point na napagod na siya. Kaya ngayon, hindi na siya nakikipagrelasyon. Nagbabayad na lang siya para makasubo o makantot. Ang focus nya eh makapag-ipon mula sa pagtatrabaho sa parlor. 
Tinanong ko kung nasaan ang pamilya nya. Sabi nya lumayas daw siya sa kanila dati. Madalas kasi siya bugbugin ng tatay nya nung nalaman na bakla siya. Ang nanay nya ay hindi rin naman pinipigilan ang nangyayari. Ang mga nakababatang kapatid nya naman, hindi siya nirerespeto at ginagawa lang siyang katatawanan. Dagdag pa nya na ang talagang malas daw siya sa buhay, ni hindi nga siya nakapag-aral ng college. Buti na lang daw at napunta siya dito at nakahanap ng mga mabubuting kaibigan. Tinanong ko din siya if may balak ba siya bumalik sa kanila, at ang sagot nya ay wala pa daw sa ngayon. Masama pa din ang loob nya sa pamilya nya. Ginagawa nya muna lahat ng makakaya nya para iahon ang sarili nya.
Naputol na ang kwentuhan namin nung bumalik na sila Gio. Nginitian ko na lang si Maribel at sinabihan ng, "Bilib ako sayo."
Akala ko sa TV ko lang makikita yung ganon, yun pala ay nangyayari nga talaga sa buhay ng isang bakla, lalo na yung mga effeminate. Ang pinakamasakit doon ay yung hindi ka matanggap ng mga taong pinakamalapit sayo. Yung pakiramdam mo ay mag-isa ka na lang sa mundo na nagmamahal sa sarili mo. Kung walang seryosong lalaki o mapagmahal na pamilya sa buhay ni Maribel, paano na lang siya sa pagtanda nya? Sana'y hindi ko ito maranasan.
 xoxo Septot
***
Friday // July 21, 2006

Binisita namin ni Gio kanina si Pochi sa school na pinagtuturuan nya. Sakto pa nga kasi naka-uniform pa ako galing school. Tinext nya kasi kami na kung pwede ay kitain siya; may problema daw kasi. Hindi available sila Ryan, Maribel, at Berta kaya kami lang ni Gio ang pumunta.
Pagdating namin sa classroom niya, patapos na siyang maglinis; umuwi na lahat ng bata. Pagkakita nya sa amin, isang ngiti lang ang nagawa nya bago siya nagsimulang lumuha. Napansin kong may malaking pasa siya sa leeg at braso. Pinaupo nya muna kami bago nagsimulang magkwento.
Meron kasi siyang kalive-in for already 5 months na nakilala niya thru internet. Ang name ay Jerry. Night guard daw yun sa mall malapit doon. After ng mga 3 beses na pagkikita, tinanong siya kung payag ba siyang makitira si Jerry sa kanya. Mas mapapalapit kasi siya sa trabaho kapag doon siya kay Pochi tumira. Dahil mahal na ni Pochi ang lalaki, pumayag siya. Nung unang tatlong buwan, nag-aabot pa daw si Jerry ng pambayad sa gastusin ng bahay, pero pagkatapos non ay wala na daw. Sabi ni Jerry gipit daw kasi siya palagi; nagpapadala pa kasi siya sa pamilya nya. Naintindihan naman iyon ni Pochi. Nitong Lunes lang nya nalaman ang totoo. Dahil sa night shift si Jerry at sa araw naman ang pagtuturo ni Pochi, hindi na sila masyadong nagkakasama ng matagal sa bahay. Bumagyo earlier this week. At dahil doon, pinauwi ang mga students nya ng maaga dahil suspended na ang klase. Maging siya ay umuwi na din. Masaya siya nung umagang iyon kasi baka maabutan nya pang gising si Jerry. Pwede siyang tumabi sa nobyo at matulog na lang din buong maghapon. Pagdating nya sa bahay ay naka-lock na ang pinto, so inisip nya na baka mahimbing na si Jerry. So binuksan na lang nya ang pinto gamit ang sariling susi. Pagpasok ng kwarto, doon nakatambad sa kanyang harapan ang pinakamasakit na bagay sa buong buhay nya. May kasamang babae si Jerry at kapwa sila nagmamadaling magbihis. Gulat na gulat si Jerry nung makita siya. Doon na nagwala si Pochi. Sinabunutan daw niya yung babae at kinaladkad palabas ng pinto. Si Jerry tumakbo daw palabas din para habulin yung kalaguyo, si Pochi naiwan sa loob at umiiyak. Mga isang oras ang lumipas nung umuwi si Jerry, galit na galit sa kanya. Nagsisigawan na sila. Pinapalayas na ni Pochi si cheater nyang boyfriend, pero ayaw nito umalis. Sinuntok pa siya nito. Buti na lang at nakailag siya at bahagyang sa leeg lang tinamaan. Sa takot ni Pochi, tumakbo siya palabas. Humabol si Jerry at hinablot ang braso nya habang sinisigawan siya ng mga nakakainsultong salita. Sinipa ni Pochi sa bayag ang tarantado. Nagbanta din si Pochi na tatawag ng barangay tanod, kaya dumiretso si Pochi sa barangay hall. Nung bumalik siya sa bahay kasama ang 2 tanod matapos ang kalahating oras, wala na si Jerry pati ang lahat ng gamit nito. Tinangay pa nito ang dvd player, component, at cellphone nya. Dyaske.

So siyempre, ever comfort kami ni Gio sa kanya hanggang tumahan na siya. Tapos sabay kaming uwuwi sa bahay ni Ate Glaiza at doon na naghapunan. Pinilit na lang namin siyang patawanin all the time para makalimot siya kahit sa pagkakataon lang na iyon.

Grabe talaga. Sana pagkatapos ng dinanas ni Pochi, may maganda swerteng kapalit na dumating. Hanggang ngayon pinipilit nya pa ding mag-move on, kaya todo ang pagpapasaya sa kanya ng mga bakla. Ganoon ba talaga kapag baklang-bakla ang kilos? Mas prone kang masaktan at lokohin? Hindi ba nakakaramdam ng true love ang mga effeminates? Buti na lang at straight-acting ako, kaya hindi ako makakakuha ng ganoong mga klaseng lalake.

xoxo Septot

***

Sunday // July 23, 2006

Next, next Sunday, plano ni Gio na mag-organize ng gay beauty pageant sa Area C. Sabi ni Ryan, palagi daw iyon ginagawa ni Gio kapag umuuwi siya mula abroad. So ang dami naming pinuntahan at inasikaso. Although gastos ito ni Gio, naghanap pa din siya ng mga pwedeng mag-sponsor. Naghanap din siya ng mga available judges, kung sino mag-provide ng stage at music, at kung saan ang venue. Nagpagawa na din siya ng mga posters, pero sulat kamay lang nila Ryan. Ang alam ko ay may balak sumali si Berta. *hehe* This would be good. Excited na ko.

xoxo Septot

***

Monday // August 7, 2006

Nakakatuwa lang kung pano nag-unfold ang events kahapon. Nagbanta pa ang ulan kaya na-haggard si Gio. Madaming bakla ang sumali. Karamihan ay beterano, yung iba baguhan, gaya ni Berta. Iba't-ibang makukulay na gown at swimsuit ang inirampa nila sa stage. Si Gio na din ang nag-host at bakas sa mukha nya ang sobrang enjoyment. Marami ang taong nanood, mukhang sanay na sila sa ganoon. Parang every month naman ata kasi ay merong nagdadaos ng gay pageant doon sa lugar nila. Pinakamadami daw usually pagkatapos ng Miss Universe, halos gabi-gabi. Ang mga bakla, meron pang hang-over. *haha!*
Anyways, syempre una ang pakilala portion. At madami akong tawa dito! Una, ipapakilala nila ang sarili nila, tapos magsasabi sila ng isang quote o salawikain na favorite nila. At heto ang ilan sa naalala ko na nagpahalakhak sa akin ng malakas:
  1. An apple a day makes seven apples a week.
  2. Aanhin mo ang malapalasyong tahanan kung ikaw ay naninilbihan lamang.
  3. Birds of the same feather make a good feather duster.
  4. Ang babaeng hindi natitinag, malamang dating kundoktora.
  5. Hindi ako kasing ganda ng nanay mo o kasing sexy ng ate mo, ako kasi ang tatay mo.
Funny, right? Anyways, magaganda ang mga gown ng mga contestants. At napahanga na naman ako sa swimwear portion; magagaling talaga sila magtago ng hotdog at itlog. Kahit anong silip ko ay wala akong maaninag. Sinilip talaga no? *hahaha* Curious lang. Eto pa, si Berta ay ang natatanging contestant na naka-T-back lang! What the hell?! Sabi ni Ryan naglagay daw yun ng packing tape para maidikit ang family jewels nya sa singit nya. Grabe ang galeng talaga. At kahit na maraming mas maganda, maputi, at makinis kaysa kay Berta, naging audience favorite siya dahil sa lakas nya ng loob.

Nung Q&A na, which is favorite portion ni Gio, dun na nagkaalaman. Yung iba sablay, yung iba sanay na. Nung turn na ni Berta, ang lakas ng palakpakan ng tao. Medyo kilala din kasi siya sa lugar na iyon. In fairness, nakasagot naman siya properly and with a very witty answer. Ibang klase talaga.

Sadly, hindi grand winner si Berta. Pero nag-uwi naman siya ng first prize. After ng pageant, much kwentuhan pa sa bahay ang mga bakla. Sharing ng kanya-kanyang mga pananaw about sa pageant. Tahimik lang ako sa gilid, nag-eenjoy sa mga hirit at kwento.

Mapapasali din kaya ako sa ganon balang-araw? Nah, malabo. Kasing labo ng mata ko. *haha*

xoxo Septot

***

Tuesday // September 12, 2006

Sorry kung hindi na kita madalas nasusulatan. Hindi na kasi maganda lately ang nangyayari sa amin ni Gio. Anyways, alam mo naman yun, most likely kasi sa iyo lang naman ako sumusulat. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng lahat ng ito. Last week lang ako ulit nagkaroon ng chance na makabonding sila Ryan at ang Tres Marias. Nagchichismisan sila about dun sa umaaway kay Ryan na baklang taga-Area D. Inaagaw daw kasi ni Ryan yung jowa. Ang sabi naman ni Ryan, hindi na daw yun boyfriend nung bakla ngayon. Hindi lang daw maka-move on kaya feelingera pa din. Tinanong ko kung sino ba yun kaaway nya. Sabi si Francis daw. Medyo nagulat ako kasi sobrang close pa sila nung birthday ni Francis. Tapos ngayon ay nag-aaway sila dahil lang sa lalake? Sabi ni Berta madalas ganon daw talaga kababaw ang pagkakaibigan ng mga tulad namin. Kahit lalake pinag-aagawan, eh ang dami-dami naman daw titi diyan sa palagid. Maruming titi nga lang. Buti daw sila, hindi nag-aaway dahil sa mga ganung bagay.

Napaisip ako doon. Mukhang sanay na sila. Parang normal na lang na mangyari iyon eventually sa mga magkakaibigang bakla. For me kasi, I don't think na kaya kong awayin ang isang malapit na kaibigan para lang sa lalaki, maging pag-ibig man iyon o libog lang. Di ba napaka-shallow lang masira ang friendship dahil sa pagiging uhaw sa titi? Karamihan naman halos ng boylet dun sa lugar na yon ay bukod sa walang looks, mga dugyot pa at sunog sa araw. I really can't see the logic. Oh well, it doesn't concern me naman, so why bother? Besides, si Gio ang problema ko.

xoxo Septot

***

Friday // October 6, 2006

Sabi ko nga dun sa huling pagsusulat nung isang araw, wala na kami ni Gio for good. Pagkatapos noon, nag-internalize ako kung paano na ngayon. Naisip ko na hindi ko na ulit makikita sila Ryan at ang Tres Marias, pati na ang Area C. Nalungkot ako lalo. Napamahal na din sa akin yung mga baklang yun. At natutunan ko na din na tanggapin yung estado ng lugar nila; na kahit ganon ang Area C, meron pa din naman mga magandang bagay na pwede mo makita don. Na-realize ko din na swerte nga talaga ako sa buhay, di gaya ng karamihan ng nakatira doon. Nagagawa ko kumain at least 3 times a day, nakakainom ng malinis na tubig, may komportableng kama sa gabi, may kumpleto at maayos na pamilya, may magandang edukasyon, at iba pa.

Naisip ko din kung ano bang mga magandang bagay ang naidulot sakin ng relasyon namin ni Gio kahit na ganon ang kinahantungan namin. Madami akong natutunan at na-experience sa halos 6 months na iyon. Marami akong maling pananaw sa mga effeminates. Nung una aminado ako na masama ang impression ko sa kanila, pero natutunan ko na sa lahat ng klase ng bakla, sila ang may madalas na pinakamahirap na pinagdadaanan. Itinakwil ng pamilya, ikinakahiya ng kamag-anak, kinukutya sa kalye, pineperahan at niloloko ng kung sino-sinong lalake, tumatanda ng mag-isa, at marami pa. Kaya marami sigurong hirap lumabas sa closet dahil natatakot na mangyari sa kanila yung mga nabanggit ko. Pero bilib ako sa mga effeminates dahil sa kabila ng mga paghihirap, nagagawa pa rin nilang tumawa, magpatawa ng iba, rumampa, sumali sa mga pageants, at kung ano ano pa. Madami din akong kilalang ibang effems na successful sa career at buhay. Dahil dito lalong tumaas ang pagtingin ko sa kanila. Of course, meron pa ding mga effem na kasuka-suka ang ugali at mga ginagawa, pero all in all, hindi lahat ng bakla ay kayang maging matatag at proud sa sarili nila.

Hanggang sa muli.

xoxo Septot

10 comments:

  1. Nakakainggit ka Sepsep. Dami mo rin nakilala at nakaclose na PLU. Ako kasi dalawa palang nagiging kaklase ko na bading pero parehong galit sakin nun. Di ko alam kung bakit ang init ng dugo nila sakin. Pero ayos na kami nung isa nung magmature na kami pareho.

    Promise nakakaawa talaga ang mga effem. Although feeling ko factor din ung background nung tao. Ako naman. Patago na inaasar ng iba kong workmates. Pero ayun. Pinagsabihan ko na lang ng maayos. Kapag feeling ko may pambabastos na mangyayari inuunahan ko na at sinasabing ayaw ko nun. Tska may konting respeto pa naman sakin dahil nakokonsider nila ung iba pang aspeto ng pagkatao ko.

    As for the family, ayun buti na lang hanggang family joke ang peg. La pa. naman layas drama.

    At sa love life, very much happy naman. Masaya nga ako sa effort ni partner kahit LDR na kamo. Ibloblog ko pa lang. :)

    Kamusta na sila? Ano balita sa mga kaibigan mo? Sana ayos naman sila.

    Ang hirap talagang maging effem. Minsan pinagtatawanan ka pa at pinandidirian ng kapwa mo bakla. Pero ayun nga. Buti hindi ko un nararanasan ng ganun kalala

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga ayaw ko din talaga mag-out ng sobra. Medyo big deal kasi sa akin ang iniisip ng ibang tao towards me.

      LDR? Sure, I'm looking forward na mabasa yan. :)

      After namin maghiwalay ni Gio, di ko na sila nakita o nakausap ulit. :(

      Thankful ako sa experience kasi natutunan ko kung pano humarap at makisalamuha sa mga effem, kahit na straight-acting ako. May mga kaibigan akong effem ngaun, pero di ako naiilang na makitang kasama sila in public.

      Delete
  2. taray. maganda yang nakakakilala ka ng ibat ibang kauri natin.
    atleast you get to see the different colors of the rainbow.

    well case to case basis siguro at depende sa kinalakhan ng effem. yung mga nabanggit mo parang mas nasa parlorista type (sorry for the labels) pero sila talaga yung super screaming faggot. lol at kawawa nga sila dahil kahit kapwa bakla iba rin ang pagtingin sa kanila.

    but well effems are cool too. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama. Some of the funniest people I personally know are effems. And I never regret the time I spend with them. :)

      Delete
  3. You always remind me of my (baklita) yesteryears... relate akey much... hehehe

    Paiba-iba tlga ng DP?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Senyor! Tagal mong nawala ah. :3 Busy much?

      Delete
    2. tagal kong hindi nakapag-blog hop...at kailangan ng focus reading your posts kaya hindi ko naman minadali...

      Delete
    3. Naks naman. Kelangan talaga ng focus? Salamat ulit. :)

      Delete
  4. Tawa ako ng tawa sa mga kasabihan sa pageant :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas matatawa ka kapag live, with matching glamour ng mga beki. :P

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...