FOREWORD ~ THIS BLOG CONTAINS HOMOSEXUAL STORIES WITH EXPLICIT LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Friday, August 16, 2013

H.1 ~ Hence I Am Judgmental

Monday // May 15, 2006

First time kong nakapunta sa lugar nila Ryan nitong nagdaan na weekend, yung malapit sa La Salle. Medyo natatakot pa ako nung una kasi baka may masamang mangyari sa akin, pero in-assure naman ako ni Gio. Madumi ang lugar, madalas kumpol ng mga basura ang nakita ko sa bawat kanto, ngunit may mga makikita pa namang mga halaman at konting puno. Tingin ko dating malawak na pastulan ang lugar, masukal at inosente, pero mula noong ni-relocate ang mga Manila squatters doon, nangamatay na ang mga damo at karamihan ng puno. Buti na lang at hindi masyadong mabaho, except kapag napapalapit ka sa mga kanal. Panay din sa kalye ang mga madudungis na bata at mga kalalakihang naka-shorts lang.

Yung bahay na tinuluyan namin, abandonado na. Kila Ate Glaiza yun dati. Gawa naman siya sa semento at may gate. Yung puting pintura sa pader, medyo nagsisipagtanggalan na. Buti at meron pang kuryente at tubig. Kaso walang mga gamit sa loob, tanging mga plywood lamang na nasa sahig. Sabi ni Gio iyon daw ang gagamitin naming tulugan. Lalagyan lang ng sapin at unan. Akala ko nagbibiro lang siya nung una, kaso yun nga ang nangyari. First time ko din na matulog sa ganong set-up, kaya sobrang nahirapan ako. Buti na lang nakatulog ako agad gawa ng napagod ako sa sex namin ni Gio dahil isang linggo ko siya halos hindi nakita mula nung nagpunta kami sa beach. Yun nga lang, palagi akong nagigising dahil sa matigas yung higaan; madali akong nangangawit. Paggising ko sa umaga, masakit ang mga kasu-kasuan ko. *sigh* Sana masanay ako sa ganito eventually.

Dahil sa wala din gamit pangkusina, bumili na lang kami ng mga nilalakong pagkain sa talipapa isang kanto ang layo. Pinahiram ni Ryan si Gio ng maliit na kalan para makapagsaing ng kanin; ulam na lang ang kelangang bilhin. Habang lumilibot kami sa talipapa, may nakita akong aleng nagbebenta ng mga nakasupot na ulam. Parang adobo ang pagkakaluto at mukhang masarap. Sabi ko kay Gio iyon ang gusto ko. Kaso wag daw ako kakain non kasi pagpag iyon. Alam mo ba kung ano ang pagpag? Iyon yung mga tirang pagkain mula sa basurahan ng mga restaurant na kinokolekta tapos iluluto ulit at ibebenta. Sobrang mura ang presyo nito. Nung nalaman ko kung ano iyon, nandiri ako. Nakakadiri naman talaga diba? Hindi ko maintindihan kung paano nila nasisikmura kumain ng maduming pagkain. Dala ba ng hirap at gutom kaya may napipilitang bumili non? Kapag ba mahirap ka, bumababa ba ang standards mo sa kung paano ka mabubuhay? Sana lang matagalan ko pa ang Area C dahil hindi talaga ako comfortable doon. Pero bahala na. Bakit hindi na lang kasi mag-renta si Gio ng bahay o apartment doon sa lugar na hindi kagaya ganito? May pera naman siya e. Nakakainis lang.

Lately, napapahaba na ang pagsusulat ko sayo ha. Ganito ba talaga kapag inlababo? Hehe. Wala naman akong ibang makausap kasi wala naman nakakaalam ng tungkol dito. Well, ganun talaga. Susulat na lang ulit ako kapag nakita ko na ulit si Gio.

xoxo Septot 

***

Monday // May 29, 2006

Nasa Area C ulit kami last weekend. I think palagi na talaga kami doon. Medyo nakakadismaya. May mga pinakilala pala si Ryan na mga kaibigan nyang doon din nakatira. Eto sila:

Si Maribel, nagtatrabaho sa parlor. Maitim, puro pimples, pandak, at may kulay ang buhok. Kamukha siya nung komedyante na kapangalan ay tsokolate. Mukha siyang madumi tignan at hindi naliligo. Lagi nya ikinukwento sa amin yung teenagers na nakaka-booking daw niya. Mukhang sobrang landi nya.

Si Pochi, public school teacher. Kayumanggi, bilugan ang mata, kasing tangkad ko, at kulot ang buhok. Siya naman, mukhang igorot. Madalas siyang tahimik. Nagsasalita lang siya kapag seryoso ang topic; mahilig siya nagbibigay ng payo.

Si Berta, tambay sa bahay nila Ryan. Kayumanggi din, may malaking panga at gilagid, matangkad, at abot waistline ang buhok. Siya ang pinakapangit sa tropa nila, madalas siyang tuksuhin na kabayo. Siya din ang pinakamaingay at laging nagsisimula ng biruan. At mahilig din siya sumali sa mga gay beauty pageants. Ang kapal lang ng apog.

Kapag magkakasama sila, puro biruan at problema sa lalaki ang maririnig mo. Tawanan, asaran, at seryosong usapan. Sa totoo lang, hindi ko sila gusto. Maingay sila at baklang-bakla ang itsura ang kilos. Naiilang ako na makitang kasama sila, kahit na hindi ko naman kilala ang mga taga-doon. Hindi ako komportable sa mga mala-babae nilang usapan. *sigh* Bakit pa kasi pinakilala sa amin ni Ryan tong mga to? Masaya naman ako na kami lang ni Gio ang palaging magkasama lang. Kaso mukhang palagi ko na din silang makakasama. Ano ba tong pinasok ko?

Anyways, makikita ko ulit sila sa Thursday. Good luck na lang sa akin.

xoxo Septot

***

Saturday // June 3, 2006

Lumibot kami sa buong Area C nung Thursday night. Madami kaming pinuntahan kasama si Ryan at ang Tres Marias. Oo, may tawag sila sa samahan nila. Weird lang.

May papanoorin kasi kaming Ms. Gay contest sa katabing Area. Juice ko. Kung saan-saan kami eskinita sumiksik. Medyo madami ang nanonood, karamihan mga malapit lang doon. Unang beses ko makapanood ng gay pageant. Mukhang tanga lang yung mga contestants. Feel na feel nila ang mga gown at swimsuits nila. Hindi ba nila alam na nakakadiri sila tignan? Yung isa kitang-kita ang maitim na singit, pero very confident lang siya. Geez. Nakakahiya talaga ang mga ganito. Buti at natapos ko ang panonood. Dapat pala nagpaiwan na lang ako sa bahay. Well, no choice naman ako, baka mamaya kung ano pa mangyari sakin dun kapag mag-isa lang ako. Iyong mga kasama ko, pati si Gio, tuwang-tuwa. Mahilig sila sa mga beauty contests. Ito kasi ang pangarap na hindi nila maabot. Well, for sure kahit gawin silang babae, hindi pa rin sila magaganda. Teka, ang sama ko na yata. Di bale, wala naman ibang makakabasa nito. *hehe* 

May dalawang bagay lang na nagpa-amuse at nagpataka sa akin ng sobra. Una, yung pagtatago nila ng titi at bayag nila para hindi babakat sa suot nilang swimwear. Grabe, as in walang bukol! One of life's great mysteries. Sabi nila Gio, iniipit lang daw nila sa singit iyon. Well, most likely ganoon nga. Pero paano sila nakakapaglakad ng parang wala lang?! Ang hirap kaya maglakad ng nakaipit ang bayag mo. Oo, sinubukan ko at effort talaga! Medyo humanga ako sa mga baklang yun huh. Yung second naman ay yung kakaibang galing nila sumagot ng Q&A. Swabe at walang kaba. According kila Gio, sanay na daw yung mga iyon kakasali at kakanood ng mga contest; kumbaga mga beterano na. Sa isip ko naman, parang hindi ko kaya na tumayo sa stage, with spotlight and all, in a two piece and full make-up, habang susubukang sagutin ng maayos at may poise ang isang mahirap na tanong. That would be like the hardest thing ever! Grabe talaga.

All in all, napapatawa naman nila ako sa mga jokes at asaran nila. Pero hindi pa din ako gaanong komportable. Minsan, lalo na kapag madaming tao, pinapauna ko sila maglakad or ako ang nauuna, para hindi mukhang kasama ko sila. Sana hindi nila yun nahahalata. Nakaka-stress talaga.

O baka naman sarili ko lang ang pinapag-alala ko? Hindi naman sila masasamang tao, masayahin at mabait naman sila. Pero ilang pa din ako. Ewan ko ba. Hindi lang siguro ako sanay, at hindi pa ako handa na maging out kahit sa mga taong nakakasalubong ko lang sa daan.

xoxo Septot

***

Wednesday // June 14, 2006

Start na ng pasukan nung Monday. Dumaan muna ako kay Gio sa Area C bago umuwi at may nakita akong bago sa paningin ko. Nakatambay kami sa labas ng gate ng bahay kanina at napansin kong yung isang babaeng kapitbahay ay may binibilot sa papel na mahaba. May ibinubudbod siyang brown na something (yung mukhang pinagtasahan ng lapis na manipis at mahahaba?) sa papel bago iikutin na parang sigarilyo. Sabi ni Gio ay marijuana daw yun. Tsk tsk tsk. Kung hindi sila ang gumagamit at ibinibenta nila iyon. Geez. May kapitbahay pala kaming adik. Ano bang klaseng lugar iyon? Hindi ba nag-aalala sa akin si Gio sa pag-dala nya sa akin don? Sana di na ako ulit makakita ng ganon. At sana hindi ako makasalubong ng adik.. *brrr* Katakot.

xoxo Septot

***

Sunday // June 18, 2006

Birthday kahapon ng isa sa kaibigan nila Ryan, si Francis. First time ko lang siya makilala. Bukod sa amin ni Gio at ng Tres Marias, madami pang ibang bakla na mula sa iba't-ibang katabing Area ang nagpunta. Sa bahay ni Ate Glaiza ang venue. Ewan ko lang kung alam ba ni Ate ang tungkol dun, kasi malamang hindi iyon papayag. Naglagay lang sila ng tables at nag-rent ng karaoke. Akala ko ang Tres Marias na ang pinakamaiingay na bakla, pero imagine-nin mo na lang kung pagsamasamahin mo ang 20 bakla sa isang malaking kwarto tapos lagyan mo ng karaoke sa gitna. Juice ko mio. At karamihan ng bakla, may mga bitbit na boylet, mga mahahada nila sa gabing iyon. So nagmistulang gay bar ang bahay. Pero in fairness, enjoy naman. Madaming tawanan at kantahan. Madami din ang nalasing, buti na lang ay hindi pa ako marunong uminom. Besides, ayaw ko din naman, masama sa health iyon no.

Umuwi ang karamihan pagkatapos, yung iba'y doon na nakitulog. Nakakatawa lang kasi naalimpungatan ako nung bandang madaling-araw at may naririnig akong umuungol sa CR. Ungol ng isa sa mga boylet. Ni-check ko kung nasa tabi ko pa si Gio. Ayun, mahimbing ang tulog nya, humihilik pa. Hindi ko na lang sinilip ang CR, kasi mukha namang nag-eenjoy kung sino man ang nasa loob. Pinilit ko na lang matulog. Later on, nalaman ko na si Francis pala ang bakla sa loob ng CR. At hindi lang isang lalake ang kasama sa loob, kundi dalawa. *whew* Magandang birthday gift iyon ah.

xoxo Septot

***

Sunday // July 2, 2006

Kahapon tumambay kami sa may basketball court. Tuwang-tuwa ang mga bakla sa mga nag-lalarong basketbolista. May liga kasi. Diba dapat sa summer iyon ginagawa? Adik lang yung lugar nila, kung kelan na lang nila trip nagpapa-liga. Sabi naman ni Berta, "Wapakels na kami doon, basta maka-sight lang ng boys." Ok fine.

Lately, na-eenjoy ko na ng buo ang pag-sama sa kanila. Hindi na ako naiilang. Pero ganito pa din naman ang kilos ko, hindi naman ako nagiging kagaya nila. Siguro ay nasasanay na ako. Mas madali na nila akong napapatawa ngayon. At hindi na ako lumalayo sa kanila kapag lumilibot kami. Well, wala naman ako siguro dapat ika-worry. Oo nga pala, may natutunan akong bagong word kanina. 'Bera' meaning 'salita' or 'sabi'. Example ay 'Ano ang binera nya sayo?'  which means 'Ano ang sinabi nya sayo?' Oha. Kaso di ko naman to magagamit, doon lang kapag kasama sila. Well, at least hindi ako mukhang tanga kapag nag-uusap sila in salitang bakla. *hehe*

Nung tumatambay kami kanina, pinag-uusapan nila ang bookings nila. Dito ko nalaman na nagbabayad pala sila ng lalake para lang makatikim. Usually, mga teenager ang targets nila. Babayaran nila ng 20 pesos para magpa-chupa sa kanila. Nice di ba? Minsan, kapag feel nila, aalukin nila yung prospect ng 50 pesos para i-fuck sila, pero madalas tumatanggi kasi nandidiri na. Pero may technique daw sila para bigger an chances. If talagang gusto nila magpakantot dun sa lalaki ay dapat papainumin muna nila ng alak (either gin or beer, which are common sa ganung lugar). Kapag tipsy na, tsaka nila papaikutin. Aalukin na nila yung 50 pesos, at madalas pumapayag na. Maghahanap sila ng tagong lugar na madilim at walang tao, tapos magpapa-toro na sila. At alam nyo kung ano ang pampadulas nila? Minsan laway lang or, kapag may pambili, mantika ang ginagamit nila. What the fuck right? Never pa ko nakagamit ng mantika for lubrication. Geez! Ano kaya feeling non? *hahaha*

Ang dami ko talagang natututunan sa mga usapan nila. Minsan nagugulat na lang ako sa mga naririnig ko e.

xoxo Septot

22 comments:

  1. Mantika? Di kaya mabilis maginit yun dahil sa friction?

    Parehong pareho kayi ng partner ko. Ayw sa mga cross dresser. Nakakatawa rae tingnan. Ako naman oinagtatanggil ko. I mean it‘s the clothes they‘re comfortable in. Don‘t get me wrong. Even though I‘m effeminate, I‘m not a cross dresser nor loud mouthed. I see myself as refine to a certain degree. But that doesn‘t mean they‘re any lesser than us right? Dun sila kumportable e.

    Pero in the end ayaw pa rin talaga ni partner sa mga cross dressers. Kapag nakakakita kami ng ganun titingin na lang ako sa kanya ay sasabihing “rumespeto ka“

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tingin ko nga ay masama sa anus ang mantika eh. Pero kung iyon ang trip nila. *hehe*

      Yep, I totally agree with you. Pareparehas lang naman lahat ng bakla. Ang difference lang ay kung paano natin ginagamit ang pagiging homosexual natin. :)

      Delete
  2. Hanep. Ibang klase lang talaga mag improvise di ba?

    Siguro ako din laiterang frog at judgmental. To think, yung mga sosy na beki ganun din naman ang trip, mejo upscale lang.

    20-50? HOMAYGAHD. Anu naman nabibili nun? Seriously.

    May similar post din ako tulad sa crowd na ganito: http://cubao-ilalim.blogspot.com/2011/01/girls-generation.html

    Pero kung bet mo yung super funny witty at malanding beki, you have to meet Mandaya Moore!


    ReplyDelete
    Replies
    1. Mandaya Moore? Blogger din siya?

      Delete
    2. parang tumigil na si ate mandaya sa pagbloblog. :(

      Delete
    3. yep she stopped a long time ago. pero compared to other bloggers iniwan naman niyang open yung blog for all to look back and enjoy :)

      Delete
    4. He deleted his blog 2 years ago I tried searching for it but it was gone.

      Have you read bookie? I gave you the link

      Delete
    5. Binigyan ako ng link ni Seth, Nomad. Gusto mo?

      Yes, malapit na ko matapos kay Bookie. :)

      Delete
  3. H pa lang pero marami na yata akong aksyong nakita hehe. Mukhang antukin ang mga mata mo. Lalim. Wala lang.

    Curious lang ako sa stereotype na 'mukhang Igorot.'

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks. Antukin talaga ako. :)

      Pagpasensyahan nyo na ang younger self ko. Makitid ang utak nya.

      Delete
    2. NP. Hindi ako Igorot btw pero marami akong friends.

      Lahat naman yata tayo may pinagdaanan at pinagdadaanan ser! Mabuhay!

      Delete
    3. Thanks for understanding ser! :)

      Delete
  4. hindi ko kinaya ang mantika. well atleast yung iba ang narinig kong pampadulas nila ay cream silk black. haha mas mabago at makokondishon pa ang nota! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabagay madulas nga ang cream silk. Kaso lotion na lang. Baka masama din kasi ang mga shampoo, conditioner at sabon sa anus. *hehe*

      Delete
    2. mahapdi ang shampoo at sabon LOL lotion is ok kung bareback pero not to be used with condoms kasi mabubutas daw

      Delete
    3. Yes nabubutas nga ang condom kapag lotion ang gamit. Naexperience ko na to. :)

      Delete
  5. This reminds me once again that I should be conscious of my kilos, pananalita, pananamit, pag iisip at kung dapat ba ipakilala ang friends ko sa iba. Hindi man ako sobrang effem at hindi man cross dresser, morayta at sobrang effem ang barkada ko na conscious ako bigla. Parang may nagpaalala sa akin na may ibang taong pwedeng mag isip sa akin ng ganyan

    But then I thought.... I don't fucking care. I'm a free bitch baby!

    Put your paws up! I was born this way.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah! Be proud of your friends kung dapat naman talaga silang ipagmalaki. :) Ikaw naman ang nagbebenefit ng friendship sa kanila eh, hindi naman ang ibang tao. :D

      Delete
  6. waaaaaahh!! mantika?? hindi ko kinaya un at ngayon ko lang nalaman na may gumagamit ng mantika.. ewwness!

    mejo same story tayo dati, hindi rin ako sanay sa una na mga ganoon kasama ko. minsan nga parang nahihiya pa ako pag nakikita ako ng mga tao na sila kasama ko. pero dahil sa partner ko nun, mejo no choice at kelangan i-enjoy hanggang sa nakasanayan na..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah, kadiri talaga. Kaso ganito tayong mga Pinoy, resourceful. *hahaha!*

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...