Alam mo Sepsep, never mo pa naikwento sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Mary Jane. Are you really gay?
ME:
Seryoso, right now? Ano yan, episode ng 'The Untold Stories'? Tapusin mo na lang yang binabasa mo Best. I'm busy with something here, di ba obvious?
LANIE:
Sus, arte mo. Dali na Best! Treat kita ng lunch ngayon. Alam kong mas juicy pa yang kwento mo kaysa sa breakfast kong hotdog kanina eh.
ME:
Geez, kung magsalita ka, parang ikaw yung bakla sa ating dalawa eh. O sige na nga, pero gusto ko sa Pepper Lunch ha. Tamang-tama, kwento ko sayo on the way there.
LANIE:
Basta pagkain, ang bilis mo! So ang alam ko tungkol sa inyo ay naging classmate mo siya nung second half ng highschool. Niligawan mo for almost one and a half years, then naging kayo for another one and a half years din. Tama? Pero yung saucy details, wala na kong idea.
ME:
Saucy talaga? Well, there is more to our story than that. Kumbaga nasa tip of the iceberg ka pa lang.
LANIE:
Kaya nga nagpapakwento eh! *hmpf*
ME:
O siya siya. Di ko alam kung paano nahulog ang loob ko sa kanya, since allergic ako sa pechay. Siguro dahil medyo boyish ang kilos nya, alaskador, pilya at hindi siya tipikal na babae, di gaya mo. Madalas kami naguusap thru YM, kahit na magkaklase kami at nagkikita araw-araw. Dun kami nagsimula sa YM, dun din kami nagkukulitan. Sa school, naguusap naman kami, pero mas makulit at madaldal kami kapag online sa gabi. After several chats, I felt something was already different towards the way I see her. Para sa bakla, weird yun ha! Pero it didn't stop me to continue. One time, I don't know if that's a good thing or a mistake, na-share ko sa advisor namin na crush ko siya, syempre paminta ako kaya kailangan may pang-front na girl crush kahit papaano. Though there is truth sa ibinunyag ko sa teacher ko, I didn't feel na gusto ko lang siya gawing panakip butas. Tapos isang araw, habang mini-meeting kami ng advisor namin, napunta ang asaran sa mga crush, at nadulas siya tungkol sa sikreto ko right in front of the whole class! Imagine kung gaano kapula ang mukha ko nun; nasa front row pa naman ako. Shit, di talaga ako makatingin sa kanya! Lecheng teacher yun. Teka, bag inspection.
LANIE:
Huh? Ah teka.
ME:
Ang nakakatawa pa, on that same day, gagawa kami ng jam as school project sa bahay nila. Kami kasi magka-partner. Ayun, super awkwardness. Kinalaunan, parang nakatulong din yung pagkakabuko sa akin. Kasi tingin ko ay hindi ko maaamin sa kanya yun ng diretso. Hindi naman siya lumayo, kabaligtaran pa. We became closer. Naks! So basically, nanliligaw na ko. Pero malabong sagutin nya ako agad; gusto kasi ng ng parents nya mag-boyfriend siya after pa maka-graduate.O di ba, traditional? Pero oks lang, tutal hindi naman ako nagmamadali, tsaka M.U. na naman kami. Graduation came, naging kami na rin sa wakas. Kaso tumagal lang kami ng 2 months nung una.
LANIE:
Weh? Ang tagal mo pinormahan tapos ganon lang inabot nyo? Wahapend?
ME:
Oh, andito na tayo! Order ka muna. Gusto ko yung beef ha, yun ang bestseller nila eh. Tenchu! *flying kiss*
***
LANIE:
Heto na, haluin mo na. Ako pa talaga pinagbuhat mo ha.
ME:
*hehe* Love you Best! Yum yum!
LANIE:
O ano na ba?
ME:
So ayun, may nakalandian kasi akong iba thru SMS 2 months into our relationship. *subo* *nguya* *subo*
LANIE:
Wow, ang kati mo lang huh! Kawawa naman yung jowa mo.
ME:
Oo na. Napa----- -ko a--- dun sa ----mate --, yun ---- ---- first boy------ ko. Pe--
LANIE:
Ano? Dahan dahan lang kasi ang subo at nguya! Wala akong maintindihan.
ME:
Ngorry, we-ang ha... *lunok* Ang sabi ko, napamahal ako agad dun sa textmate ko, yun kasi yung first boyfriend ko. Pero ibang istorya na yun. Di ko naman sila pinagsabay eh, iniwan ko muna si MJ bago dun sa isa. Alam kong hindi deserved ni MJ yon at devastated siya, pero sinunod ko lang ang pintig ng aking alaga, ay este puso. *hihihi* So bale sinagot ako ni MJ after graduation, then naging kami for 2 months, until around mid-April. Tapos naging kami ni Gio for 6 months, until September. On December that same year, before Christmas, dun lang kami uli nagkita ni MJ; nagkayayaan kasi yung barkada namin na magpunta ng Star City. So nung time na yun, dahil na din sa kantyiwan, binigyan nya ko ulit ng isa pang chance. In-explain ko sa kanya kung anong nangyari at bakit ko siya iniwan. Pero syempre sabi ko pinagpalit ko siya noon sa babae.
LANIE:
Sabi na eh, kasi malamang hindi ka na tatanggapin non kung sinabi mo ang totoo. *haha* Wala ka talagang poise no? Puno na bibig mo ng kanin, salita ka pa ng salita. Pero sige, hala, daldal lang.
ME:
Gusto mo itigil ko na? Bruha to. *irap* So ayun, stable naman ang naging relationship namin, working like a normal one. Patweetums dito, away doon. *slurp* *burp* Tara GongCha tayo, bilisan mo diyan.
LANIE:
Eeew. Teka ha, ang bilis mo kasi eh, patay gutom!
***
ME:
Kulang na lang dilaan mo yang plato mo ah. Tara na. Mahaba pa kwento ko.
LANIE:
Eto na! Teka, may question ako, may nangyari ba sa inyo ni MJ ever? Nakatikim ka na ng pechay?
ME:
*brrr* Syempre hindi! Virgin pa ko sa pechay no, sa hotdogs and eggs lang ako may masteral. Pero seriously, walang nangyari sa amin hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa ayaw nya mismo. Niyaya ko siya a couple of times, pero ever tanggi siya. You see, devoted Born-Again Christian kasi siya, kaya prim and proper Maria Clara yun. Well, I'm not complaining though, mas okay nga yun eh. Isa pang rason para hindi makakain ng pechay. Omigosh! Nakita mo yun Best? Ang cuuuuute!
LANIE:
Saan? Hmmm... Cute nga! Akihiro Sato ang dating... At oooh, yummy! Talas talaga ng mata mo sa ganyan. O ano na? Nawawala ka.
ME:
Ah huh? Ah oo. Ayun ulet, tumagal nga kami ng isa't kalahating taon. Pero bago ko ikwento ang final break-up namin, dapat mo munang malaman ang twist sa istorya, parang nobela lang ni Nicholas Sparks. At bago ko ikwento ang twist, um-order muna tayo. Wintermelon Milk Tea sa akin, ikaw?
LANIE:
Pabitin ka, kanina ka pa! Same din sa akin.
ME:
Ok, hanap ka na ng mauupuan, ako na oorder.
***
ME:
San na ba ko? The twist, right. Remember my other bestfriend, Marcus? Pinakilala ko siya sayo nung huling birthday ko.
LANIE:
The guy who's wearing glasses? Yung matangkad, maputi, at mabango? *hihi* Di ba Fil-Am yun? Gwapo siya kaso medyo weird ang personality. Nerdy nerdy.
ME:
Check, check, and check. Perfect score! Oo siya nga. Highschool classmate ko din siya, kasabay siya ni MJ lumipat sa school namin nung 3rd year. Ako unang nakatabi ni Marcus sa upuan, kaya ako din unang naging kaibigan nya. Unang tingin ko pa lang sa kanya, gusto ko na siya. Mula non, ginawa ko ang lahat para maging mas close kami.
LANIE:
Wait, don't tell me...?
ME:
Yes. Kinalaunan, mahal ko na siya. Kaso naging close din sila ni MJ. Hanggang isang araw, inamin sakin ni Marcus na sa lahat ng babae sa school namin, kay MJ lang siya interesado. Just imagine my disappointment; sobrang sad and jelly jelly ang drama ako that time. Kaya gumawa ako ng way para di niya ma-pursue si MJ. Sinubukan kong akitin yung girl na gusto nya, at successful naman ang plano ko. Inunahan ko na si Marcus. Remember the YM and all? And nung sinabi ko kanina na nagkaroon ako ng real feelings kay MJ pero pinagpatuloy ko pa din kahit alam kong bakla ako?
LANIE:
Yup, para di mapunta si Marcus sa kanya. Wow, ang heavy Best. Pang-MMK yan ah. Pero ang evil mo ha. I can't believe na nagawa mo yun.
ME:
Minahal ko naman si MJ kahit papano. Sabay silang minahal ko noon. Ang hirap lang. Madalas kong awayin si MJ kapag nakikita kong lumalapit siya kay Marcus; aware kasi siya na may crush si Marcus sa kanya. Natakot ako na baka magkatuluyan sila eventually, nawawala sa isip ko na ako ang mahal na mahal ni MJ, at na hindi siya malanding klase ng babae. Nakakalimutan ko palagi yung fact na kong close nga din pala sila nung una pa lang, kaya dapat hindi ko bigyan ng malisya ang paglapit nya kay Marcus. Samantalang si Marcus, walang kaalam-alam na siya ang dahilan ng madalas naming pag-aaway ng girlfriend ko. At si MJ, walang idea na siya ang pinagseselosan ko at hindi si Marcus sa tuwing magkasama sila. It showed na kahit dalawa silang mahal ko, mas malakas ang tama ko kay Marcus kaysa kay MJ.
LANIE:
Di ko alam Best kung kanino sa inyong tatlo ako pinakanaaawa. Ano nangyari sa inyo ni Marcus?
ME:
Never naman ako umamin kay Marcus. Takot akong i-reject nya ko at baka lumayo siya sakin.
LANIE:
Akala ko bakla siya? Yun ang impression ko sa kanya nung una kong nakita eh. Malamya kasi kumilos at hindi manly ang appeal. Tapos diba single since birth yun?
ME:
Di ko nga din alam eh. Malamya nga siya, kaya minsan duda ako. Pero nagkaroon naman siya ng syota noon, I think mga 3 pa lang. Puro saglit lang yung mga yun, walang tumagal. Kung huhusgahan ko siya base sa mga kwento nya sa relationships nya, e masasabi ko na wala siyang kwentang boyfriend. Alam mo bang mga 2 years na mula yung huli nyang relationship? Hanggang ngayun single pa din siya. At wala naman siya naikekwento sa akin na may pinopormahan siya. Nakakapagtaka diba, sa gwapo niyang yun. Nanalo nga yun nung huling JS Prom namin e. Di ko alam kung pihikan lang ba talaga siya sa babae or what. Ang hirap nya basahin, sa totoo lang. Di gumagana gaydar ko sa kanya.
LANIE:
Mysterious nga siya. Isang malaki at gwapong palaisipan.
ME:
Pero isa lang ang sigurado ako, kaibigan lang talaga tingin nya sakin. Ramdam ko naman yun eh. Kapag nagkikita kami nowadays, bumabalik yung old feelings ko, pero di na ganun kalakas. Ine-enjoy ko na lang ang company nya as much as I can.
LANIE:
Wala ka ng balak aminin talaga kay Marcus? Malay mo naman di ba?
ME:
Wala na. Oks na ko. Noon ko pa tinanggap na bomalabs talaga. Besides, it's too late na.
LANE:
Well, it's better to be late than later. Ano daw? *haha* O tapos, ano ending nyo ni MJ?
ME:
Exactly a week before nya ako hiwalayan. Nag-usap kami sa kotse nya. Umamin ako sa kanya; sabi ko bisexual ako. Noong mga panahong yun, di ko pa tanggap na bakla talaga ako, kaya I categorized myself as a bi, tulad ng ginagawa ng karamihan na gaya kong nasa loob pa din ng aparador. Pero di ko inamin sa kanya ang totoo about kay Marcus, sobra na yun. Sinabi ko din sa kanya na kahit ganito ako, mahal ko siya. At sana matanggap nya ako. Tahimik at kalmado lang siya the entire time. Nung matapos ako magsalita, sabi nya ok lang daw, naintindihan daw niya. Tapos inuwi na nya ako. Akala ko okay na kami, medyo lumuwag ang pakiramdam ko kasi nakaamin na ko sa babaeng mahal ko. Pero after a week, pumunta siya sa bahay at yun na. Maayos ang naging paghihiwalay namin; ang dahilan nya ay ayaw na daw niya, gusto daw muna niya magpahinga at magfocus sa church nila. Naintindihan ko naman kaya pumayag ako, pero deep inside ay alam ko ang totoong dahilan. Siguro after ko umamin, nagnilay-nilay siya for a whole week. Hinayaan ko na lang siya kasi naging walang kwentang boyfriend naman ako sa kanya; madalas ko siyang nababalewala at napapabayaan. Marahil pagod na nga talaga siya sa akin. After non, there are several times na nagkita ulit kami dahil namimiss ko siya. Pero di na kami nagkabalikan.
LANIE:
Di ba may boyfriend na siya ngayon?
ME:
Oo, magtatatlong taon na sila later this year. Nakita ko na sa personal yung bf nya. Masyadong tahimik, parang pipi, atsaka patpatin. May itsura naman kaso mas cute pa din ako. *hehe* Ang alam ko kasama nya sa church yun eh.
LANIE:
*tsk tsk tsk* Oh, ano lesson natutunan mo?
ME:
Wag manggamit ng ibang tao in any way. Dahil balang araw, di lang siya ang masasaktan mo, pati sayo ay babalik yun. Si MJ ang dahilan kaya wala na kong balak pa na mag-asawa. Tama na yung nakapangloko ako ng isang babae. Besides, di din naman ako magiging masaya kung gagaya ako kay Vincent e.
LANIE:
At sino naman si Vincent?
ME:
Yung sa My Husband's Lover? Duh! Ngayon kelangan ko na lang mag-isip kung paano ako magkakaanak... Si MJ din ang dahilan kaya nagsisisi ako na naging bading ako. Parang gusto kong maging straight para sa kanya. Ganon ko siya kamahal. She's such a great woman na mahirap mahanap. Kaya nanghihinayang talaga ako ng sobra... *sigh* Uy, alas-tres na pala! Pakshet, baka di na natin maabutan yung trailers, bibili pa tayo ng popcorn!
LANIE:
Chill lang. Tara na nga! At habang naglalakad tayo, ikwento mo naman yung tungkol kay Gio, yung unang bf mo.
ME:
Pucha! Unli ba boses ko? Sakit na ng lalamunan ko. Next time na lang!
I had a gf too when I was in college. I'd go straight for her. Naging kami while she was aware of my sexuality. Although I was never sure if naging kami nga pero sinasabi nya sa friends and hs classmates namin na naging kami. Anyway, close pa rin kami. Bi-girl ata sya based sa mga kwento nya. Siguro kaya na-attract ako sa kanya. Haha, ang mga kwentuhan namin ngayon tungkol sa guys at chicks. Hehehe. :)
ReplyDeleteThat's cool. May nangyari ba sa inyo? :)
DeleteHaha, wala. Fortunately! Same din sya nung friend mo. Boyish. Come to think of it, kapag naattract ako sa girl, usually boyish. May isa rin akong naging crush, lesbiana pala ng di ko alam. :)
DeleteI think ganun talaga eh no. Kapag may isang gay na nagkagusto (with real feelings without lust) before sa isang girl, usually yung girl ay boyish or with boy features.
DeleteI'm virgin to pechay ever and mag 29 na ako hahahaha.
ReplyDeleteI liked the wintermelon dun sa GongCha di ko gusto feeling sa pag inum ko pero kumakain ako ng kundol candy
Magtayo tayo ng Pechay Virgins Club! *hahaha*
DeleteWell, I like their sago, malinamnam. :) Ano yung kundol candy? Di ba gulay yun sa bahay kubo?
I love the way how you presented the story ;)
ReplyDeleteThanks Nomad, at salamat sa pasensya mo. *hehe* I was worried na baka masyado mahaba. Pero sabi ko bahala na. :)
DeleteI understand. Ganyan din ako before I had problems organizing my thoughts and making the story simple yet meaningful yung hindi mahaba kasi baka nga mabore at kung mahaba naman the challenge is how will I maintain the reader's interest until I studied and observed how other bloggers present it. Learned it from Bookie's blog
DeleteNakaka-pressure! *haha* May link ka sa blog ni Bookie? What particular post yun?
DeleteActually he did not discussed it in his blog. I just studied the way he writes.
DeleteHere's the link:
http://callcentercon.travellerspoint.com/archive/082007/s21/
He already stopped blogging but from time to time I back read his blog. His blog is like a book to me that whenever I feel like my brain needs nutrients and inspiration --- I go re-read his blog.
:)
Pressure is a good thing... right?
DeleteNOT!
Haha!
Thanks, I'll check this. :)
DeletePressure is either good or bad, depending on how you react to it.
Naks, pa-deep! *hahaha*
Ibang pressue na ata yan eh *grins*
Delete*hahaha!* Ay ewan ko na lang. :P
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteOo nga, ambilis mo madistract pag may gwapo. Confirmed! Haha. As always, thumbs up sa iyong storytelling skills.
ReplyDeleteNasan na si MJ? Baka may pag-asa pa :) hahahahaha... *mwuahugzzz*