FOREWORD ~ THIS BLOG CONTAINS HOMOSEXUAL STORIES WITH EXPLICIT LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Monday, January 27, 2014

Letters Of A Wasted Love

October 3, 2004
Geosef,

Hmmm... Hi! Hello... Di pa makatulog eh... Kaya eto nagsusulat ako aheje...

I will describe nalang my ideal guy ahaja...
  1. Syempre yung mahal na mahal na mahal ako with all his heart... sincere din...
  2. The guy that will trust me...
  3. Ayoko ng mag-isip nakakatamad eh...
At saka bata pa ako para sa mga ideal, ideal guy heje... Ah basta hmmm... Inaantok na ako heje...

Sei Sempre Nel Mio Cuore!

Ikaw bata nasaan na yung letter ko hmp madaya ahaja...

Lagi nalang tayong aso't pusa... Away ng away hehehe... Tapos tapos kung anu-ano pa sinasabi mo sa aking bad ahuhu... Wawa naman ato...

Antok na antok na ako... Heje... Hmmm sana di na tayo mag-away noh... sana di ka na maasar at mabadtrip sa akin... Tapos sana di mo na ko pagsalitaan ng bad things... Hmmm yu yab ia! Beh... syawla bol I yuu... Gets mo?

MJ (-.-) zzZzZzzz

***

January 23, 2005
Dear Geoseffe,

Yehey! Yehey! Thank you! Thank you! You know what I'm so happy! Very very happy! Because you know what I think we made a right decision! Yah really a right decision that we are going to be friends from now on that no more love first... It's because we are still young right? And we still need a lot of experiences in life that can make us a better person eventhough you are better now unlike before... Ahahaha...

Madel is right! When she said "love at our stage is only a game." We must know how to play that in order to win! Am I right? As for now, for us we decided to have a time out first because we need to rest and eat our meryendas! Did you get what I'm trying to say?

Remember I will always be here no matter what... Just look around... and you can see me already ahehehe...

I hope we are going to have a good friendship! I will always and forever love you Honeydutch! Just remember that! I hope you love me too... Do I need to ask that?

Just be what you are and all of your dreams will come true. I hope I'm included in your dreams... hehehe... Pray. God Bless you all the time!

Mary Jane

***
11:05pm
August 6, 2005
Dear Honeydutch, I love you!

For this day you are the second person to whom I'm writing a letter right now and like you that person is also important to me and very special guess who? Hahaha... Ang daya wala ka pa ring letter sa kin hmpf. madaya madaya. You know what kapag ka galit na galit ka kung ano-ano mga sinasabi tapos natatanong ko tuloy sarili ko ng "mahal ba talaga ako nito?" kc naman noh grabe ka magalit masakit na magsalita, nananakit pa. Hay madaya! tapos alam mo yun kapag galit na ko sa pinagsasabi mo bigla kang magiging sweet, nagiging mahinahon tuloy aq at di ko na magawang magalit sayo ahehe... Sa tuwing magagalit ka sa kin lagi ko naiicp na mamahalin pa kaya ako nito sa kabila ng mga kalokohan ko kung bakit sa nagagalit. Ahehehe... Wat answer mo?

Pero bakit pag galit ka gusto mo umiyak aq? kailangan bang umiyak muna ako bago mo ko mapatawad? O pinapadama mo rin sakin yung lungkot that you feel.

Alam mo ba nakakaasar ka kc bakit sa tuwing kausap mo ko lagi ka malungkot hindi ba talaga kita mapapasaya ha? Yung kahit minsan o sandali hindi ko yata magagawa yun eh. Kc naman noh? kelan ba kita napasaya? Wala naman diba? Ahehehe... Laging galit at lungkot ang dinadala ko sayo eh. Sori ha... Maling-mali ang pagtransfer kow... Hahaha ayoko na nga. Di ko masabi sa'yo yan ng harapan nahihiya kc ako at saka hmm... wala lang... Sori hindi kita napapasaya... I'm very sorry po!

Mary Jane

***

Sept. 14, 2005
Dear Geoseffe,

Hei this letter is what my heart says and what my mind is thinking right now. I hope you will understand this and be able to think about this things... =P

Hmp kaasar I'm not going to praise you... baka kasi sabihin mo na namang may nauna na at pangalawa na lang ako. Bakit pag ako ang nagsasabi ng good things sayo nakakalimutan mo (o sinasabi mo lang yun kasi gusto mong marinig ulit na ako nagsabi) Asar ha... last year pa ako nagsasabi pero hindi mo alam... hay naku...

You really change a lot... It seems that I don't really know you and you don't really know me either.

Nakakaasar ka... Kung nasasaktan ka ako din noh. Hindi ko talaga alam kung special pa ako para sayo kasi I just noticed you often say bad words at binababaan mo ako ng phone/sa phone. Tama ba naman yun?

Did I really changed? O ikaw ang nagbago. Bakit ba iniisip mo na pinagseselos kita eh hindi naman. Bakit ba lagi ako ang masama?

Akala mo ba natutuwa ako pag your saying bad words hindi noh. I'm not always happy na kagaya ng iniisip mo.

You know what natatawa talaga ako at natutuwa sa'yo... kasi naman kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa selos. ayaw mo talaga ako mawala sa'yo noh? Heje. Kaya ka nagseselos kasi you really love me so much di ba? kunwari ka pang di natutuwa dyan ang totoo naman tuwang-tuwa ka pag nakikita mo ko heje... kahit anong galit mo sa akin aminin mo pag nakausap at narinig mo ang boses ko eh mapapatawag mo na ko diba? Alam kong alam mo na I'm not a liar ang totoo niyan you trust me ayaw mo lang sabihin eh... You know that totoo ang mga sinasabi ko gusto mo lang akong asarin eh kasi tuwang-tuwa ka sa reaksyon ko pag naaasar ako... Aminin.

Hui honeydutch... my only love... Don't forget my letter... kasi gusto ko yun pls... pls...

Siempre Te Amare...

Your honeymunchkin,
MJ =P

***

October 7, 2005
Dear Makulit na bata,

You know what you are really really such a makulit na bata kung mag-isip... Eh kasi naman noh sa sobrang talino mo kung ano ano na ang naiisip mo na mali naman... Hayy naku ikaw talaga bata ka... Makulit... heje...

Masyado ka mag-isip... Tapos masabihan ka lang magagalit na... Remember, hindi sa lahat ng oras kailangan na good things din ang sabihin sa'yo syempre may mga bad comments din noh... At sa mga bad na nasasabi sa'yo diba napapaisip ka at hindi mo na ginagawa yung napupunang mali sa'yo... Diba?

You'd been very emotional ang biro sa amin, totoo sa'yo tapos kung anong maling nakikita sa'yo magagalit ka... Anong gusto mo ang purihin ang maling ginagawa mo? O itama iyon sa pagsabi namin ng totoo? Ahaja... Ne gets mo ba?

I wish I nevet met you para I can still live without you, sana you never say hi para I don't have to fall, sana I don't have to love you much. Tulad ngayon! Ayaw na kitang mawala...

My hearts says I have to take care of you, I should make sure no one will harm you. But I just can't always be der for you so please be careful in everything you do. Magwawala ako pag nasaktan ka.

I don't like you to become sad especially when you are saying that you are sad. I just don't like that. Maybe hmmm you were always hearing me laughing but deep inside me It really break my heart knowing that you are sad and I have nothing to do about it. kaya nga I'm trying to explain about that, kaya lang it just so happen that you don't like to hear it kasi ang gusto mo na ang pinaniniwalaan at iniisip mo ang tama... Hay naku you are wrong noh! Beh...

This is MJ! Signing off you know I'm so sleepy kasi eh... Its already 11:37pm... Ahaja...

Don't think too much about that!

Ang Pinakamakulit,
MJ

15 comments:

  1. - nakakatuwa ang mga letters. bihira na gumagawa niyan ngayon.
    - gusto ko makita yung sagot mo sa letters niya.
    - tinagalog si Adele. mas gusto ko tong version na 'to :D


    -Mamon

    ReplyDelete
    Replies
    1. ~ Marami pa ako sa bahay. Pinili ko na lang ang mga ito, to show yung younger version ko; kung paano ako magmahal noon. But I think, ganito pa rin naman ako hanggang ngayon. *haha*

      ~ Yung mga sagot, nakay MJ eh. At wala na kaming communication ngayon. Pero wawents din naman yung mga sulat ko sa kanya. Hindi kasi ako mahilig sa ganyan; mas prefer ko na sinasabi na lang. :P

      ~ Ganda ng salinawit na ito no? Sarap pakinggan. :)

      Delete
    2. ganyan ka parin, yung nananakit? iskeri hehe

      ganda nga nung salinawit, hinanap ko agad sa youtube

      -Mamon

      Delete
    3. ~ Uy, hindi pisikal ah. Di ko kaya yun. *haha*

      ~ Nahanap mo ba? Add na sa playlist! :D

      Delete
  2. Parehas tayo di makatulog , ang kukulit ng mga letters , hinanap ko yung akin sa yahoomail ko eh nd ko na maaccess haha :)

    Tulog na

    ReplyDelete
  3. Ang tagal na nito ah buti nahagilap mo pa!
    Nang binabasa ko 'yung letter, napapangiti ako naalala ko 'yung mga ganyang tema ng letter noong medyo bata pa ako.
    Nakakatuwa na napreserve mo pa 'yan, pangblackmail someday. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, kasi nakatago lahat ng mga natanggap kong sulat sa isang maliit na kahon sa loob ng tukador ako. Actually, madami yun eh. Hindi ako nagtatapon basta may sentimental value. :)

      Paano naman to magagamit pang-blackmail? *hahaha*

      Delete
  4. Eh nasan yung replies mo sa mga to?!?!?!?
    2004?! Kapanahunan ng YM at friendster! Hihi..
    Nakakatuwang balikan ang mga ganitong bagay... And yes, girls love receiving letters... Hehe.. I dont know with you gays.. Hehehe. Do you all go through a kilig stage pa ba? I mean courtship stage and all?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siyempre nakay MJ yung mga sagot ko. Tingin ko tinago din naman niya ang mga yun. Kaso lang, wala na kaming contact sa ngayon. :(

      At siyempre naman kinikilig din kaming mga bakla no! Tao rin naman kami ah. Baka nga mas grabe pa kami kiligin kaysa sa inyong mga merlat eh. *hahaha*

      Delete
  5. Ok to ah. hahaha! Nakaka awkward nga minsan basahin yung mga love-letters noong kapanahunan ng aking puppy-love. Ok, hindi lang awkward, nakakasuka! hahaha!

    But this is nice. Hindi na mauunwaan ng generation ngayon ang thrill na sumulat ng love letter o yung makatanggap ng love letter. It is beyond their perspective.

    Anyway, kahit sa edad kong ito, nagsulat pa rin ako ng love letter (email siyempre). I sent it pero hindi pa sinagot. Wala. No zone na agad ako. Nag freak out siguro. hahaha! May iba pa bang mga letters? May mga bagay yata ako hindi ma gets. mag back read na lang ako at baka nasa previous entries yung sagot sa mga tanong ko. otherwise, mag message na lang ako sayo. basta yun. hehehe! Ciao!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako hindi naman na-awkward. Actually, nanghinayang ako nung nabasa ko ulit ang mga to. *hehe* Ang sarap lang balikan ng nakaraan... At kung straight lang ako sana...

      Bigyan mo ng time sumagot; baka naman kasi nasa page 45 pa lang siya ng 100-page reply niya. *hahaha* Sa totoo lang, marami pa yung mga sulat niya. Pinili ko lang yung magpapakita ng ugali ko noon, nung straight pa ang peg ko sa buhay, kung papaano ako maging boyfriend sa isang babae... Itong post na ito ay supplement ng storya sa letter F, posted way back August last year. :)

      Delete
  6. aww inggit ako. kasi dahil nagpalipat-lipat na kami ng bahay hindi ko na alam kung anong nangyari sa mga sulat na natatanggap ko nun from friends. infair sweet kami ng mga kaibigan ko nung bata, laging may mga surprise sulat or yung itago-mo-ito- *insert anything here mula wrapper ng candy to dahon*-at-hahanapin-ko-sayo-after-ten-years moment. hahahaha well ngayon nagmumurahan na lang kami. charot. hahahaha

    ang sayang tumingin sa mga lumang baul natin. ang sayang masilip nung mga batang tayo at kung paano tayo binago ng panahon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap balikan ang mga alaala. May masasaya, may malungkot, may mapait. *hehe*

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...