May aaminin ako.
Hindi ako matinong tao. That's a fact. Duh, hindi pa ba obvious sa mga kwento ko dito? Mukha lang akong disente at hindi makabasag-pinggan sa personal kasi mahiyain at tahimik ako sa una, pero ang utak ko ay malayo sa pagiging banayad o malinis. Ika nga ng best friend kong si Rey, I am one very fucked up individual, wala nang pag-asang maging pa-virgin ulit. Hindi ko itinatanggi iyan. Hindi ako nagbabalat-kayo. Gusto kong linawin iyan sa inyo, para walang nadi-disappoint at nagugulat kapag nakilala ako.
Ngunit! Subalit! Pero! Hindi porque ganito ang tema ng espasyo ko dito sa mundo ng blogging ay nagkakahulugan na na hindi ako marunong magpakatao. Bastos ako sa panulat, pero hindi ako bastos kaharap. May breeding ako, merong manners. Marunong akong makisama, marunong din akong rumespeto. Alam ko kung kailan dapat manahimik lang, alam ko rin kung ano ang hindi dapat sinasabi. Mabait ako sa mabait sa akin, at wala naman akong pakialam sa hindi. Ayaw kong hinuhusgahan, kaya hindi ako judgmental. Simple.
And there are three more things.
Una, may warning for adult content itong blog ko before mo siya mabuksan. Meron ding foreword na makikita sa itaas. Both of them will warn you of what to expect. So kung straight or babae ka, sana lang, wag kang magugulat kung may mababasa kang hindi normal para sayo. LGBT community at mga open-minded heterosexuals ang target readers ko. Nasa iyo na ang responsibilidad kung magpapatuloy ka after mo balewalain ang dalawang paalala sa simula. Never akong namilit ng kahit sino na magbasa ng blog ko. Nire-respeto ko ang free will at comfort level ng mga mambabasa ko. Kung nababastusan ka na, naiintindihan ko kung aalis ka.
Pangalawa, about ulit sa content. Sabi ng isang quote, "Promote what you love, instead of bashing what you hate." Eh paano ba yan? I love sex and I lust for men. Kaya mga ganito ang nipo-promote ko. Mas okay na 'yun di ba kaysa nang-aaway at naninira ng iba.
Pangatlo, tinatamad rin akong magsulat ng posts in full English paminsan-minsan. Tutal na-execute ko naman ng maayos ang plans ko for my main alphabet, ayaw ko nang limitahan ang sarili ko sa salitang banyaga lamang. Kung anong language ako komportable habang nagsasali-type, iyon ang gagamitin ko. Walang pakialamanan, blog ko naman 'to eh. Hindi porque nakasulat sa Tagalog, mas bastos at mas malaswa na, at hindi porque nakasalin sa English, mas acceptable at may class na. Saan mo mang lengwahe i-translate ang mga kwento ko, rated-18 pa din.
'Yun lang. Aytenkyubaw.
With these out of my chest, balik na ulit tayo sa kabastusan. Pero next week na; a-attend muna ako ng Ati-atihan Festival sa Aklan this weekend with Ace. またね / Mata ne!
Maraming, maraming salamat sa mga patuloy na sumusubaybay sa libangan kong ito. Kahit ano mang kalaswaan at kababuyan ang pinagsususulat ko, binabasa niyo pa rin. Mabuhay kayo! :D
ReplyDeletealam ko may pinaghuhugutan ito. pm mo naman 'yung link article ng blog na critic mo. basahin ko lang.
Deletehangga't wala pang rules sa blogosphere walang karapatan ang sinuman na pagbawalan tayo sa anuman ang gusto nating isulat.
just don't mind them. nakakasira nang araw 'pag sineryoso mo sila. cheer-up.
Actually Kuya Ramil, yung negative comments about sa blog ko ay naririnig ko lang at nabasa ko lang somewhere sa FB. Immediately right after, I cut the connection. Ayaw ko ng toxic sa buhay ko. Siguro ito na ang first and last time na ita-tackle ko ang topic na to. Magmo-move on na ako. Masama lang loob ko kasi after ng mabuting pakisama at respeto na binigay ko, hindi maganda ang ibabalik sa akin. Nakaka-turn off lang.
DeleteAnyway, okay na ko. Salamat! :D
tama si kuya Ramil. basta sulat lng ng sulat. let it all out!
DeleteCheers!
nyahaha people blog because they want to share what they want to share. If people doesnt like you eh bakit sila nag aaksaya na basahin ang post mo....
Deleteits simple, if you dont like what you read then dont read it...
Sabi nga ng masang Pilipino, this is a democratic country... I can say waht I want to say ahahaha.
Tamaaaaa! Very well said, Rix. :D
DeleteYan din ang napansin ko sayo Geosef the first time na na-meet kita ng personal. Tahimik, tipong mahiyain. Pero huwag ka, may kakaibang Sepsep kang makikita at makikilala sa pamamagitan ng iyong panulat. I also don't mind reading your posts, whether it is naughty or nice. Wala din akong pakialam sa kasarian ng isang tao. Lalake, Babae, or the members of the LGBT community. Lahat welcome kayo para maging kaibigan ko - sa personal man or online. Basta ang mahalaga ay marunong kang makipag kapwa tao at hindi trapo sa lipunan.
ReplyDeleteAng kasarian ay ‘di kailanman magiging pamantayan ng kabutihan. Irerespeto ka kahit ano’ t sino ka pa kung ipapakita mong krapat-dapat ka.
Hmmm... sino kaya yang critic mo na yan? *evil grin*
Nakakataba naman ng puso... Maraming salamat Fiel! *hihihi*
DeleteHayaan na lang natin siya. Marami namang may ayaw sa kanya. Basta ako, kahit hindi man ako lumaban o magparinig, alam kong may mga taong magtatanggol sa akin, dahil loves nila ako. *hehehe* Magtago na lang siya sa palda ng mga bulag niyang kakampi. >:)
May I add, hindi porke naughty 'yung mga post ng blogger walanghiya siya in real world.
DeleteAko, gusto at hilig ko magsulat ng inspirational, poetry, social issues, may aral na mga short story, positive thoughts, etc. pero walanghiya talaga ako in real world. hahaha.
(p.s. ako talaga 'yung critic) :)
*hahaha* Natawa naman ako sayo Kuya Ramil. Magkabaligtad pala tayo. :P
DeleteAkala ko napansin kagad ni pusa na di ka nga matinong tao! Hahaha... Ako yata may affinity sa mga ganung tao. Lols.
DeleteOo yccos, kasi hindi ka rin naman matinong tao! Lels. *mwah*
Delete@Kuya Ramil - ahahaha!
Delete@Cher Kat @Sepsep - nyahaha! ang kulet nyong dalawa. and.... I have an idea na kung sinu-sino yang mga taong tinutukoy ni Geosef na "critic" kuno nya at nagdudunong-dunungan sa mundo ng blogosperyo. *evil grin* well... tawa na lang ako... yung isa jan, kasing berde ng balat ni Shrek! yun na!
I'm outta here!
*vanish in a puff of smoke*
Wow, Fiel. I can't believe na may kakayahan ka rin palang manglait! *hahahaha* Cheers! :D
DeleteSino naman ang may karapatang humusga sa ating isinusulat? We write because we write for ourselves, hindi para sa ibang tao. I learn a lot from the way you write, your narratives and experiences in life. It's a perspective of someone who had been fortunate enough to gather rich life stories at an early age. You can write in different styles and having had the chance to meet you became even richer because I can understand your viewpoints better. I always tell myself that if I have nothing good to say then I should just be quiet but I guess I said a lot. :)
ReplyDeleteMaraming salamat Cher Jo. It's because of people like you kaya nakakapagsulat pa din ako. *hugs* :)
DeleteMas nahihirapan ako magsulatsa Filipino. Di lumalabas creative juices ko once pero di ko nataps. Un ang writing challenge ko this year.
ReplyDeleteButi naman nailabas ko na yan. No pun intended. :3
*mo
DeleteMahalin ang sariling wika! *hihihi*
DeleteAng green talaga ng utak ko. Bastos ang pagkakaintindi ko sa 'nailabas'. *hahaha!* Parang nagpaputok lang ah. :P
Hala! Bat may ganito kang hanash sa life?! Di ko to alam ah.. Anyway, eto na:
ReplyDelete1. Mas sanay akong ang LGBT ay laging may kasamang friends, so LGBT and friends kasi dun ako sa friends pasok.. Hahahaha
2. I had said this to you before, and let me repeat myself: Writing is a part of you but not entirely you, to judge you because of the genre you write is narrow-minded people's attempt to get noticed in an ocean of open-mindedness. Meeting you personally was already a great experience. Getting close to you and knowing you had never been my intention but then, heck, it happened and I thank you for your trust. Write as long as you like, as long as youre not hurting other people's feelings, tickle their minds and thoughts, be that brave and full of guts writer they can never be.
3. I am nobody but an ordinary person, lagalag sa net and I may not have read all of whats in here, but I've read enough to say that you have the guts and goods-Good grammar, appropriate words, nice execution of thoughts. Let them drool!
4. Pasalubong. I love you very many! Mwuahugzzz!
1. Ikaw lang ang natatangi kong babaeng reader. At dahil diyan, wala lang! *hahaha*
Delete2. Awww. Na-touch mo na naman ako sa mga lugar na hindi dapat ma-touch, lalo na ng babae. LOL Sorry, di ako makapag-seryoso. Ang sweet mo kasi eh. *hihi* Tama... Hayaan na lang ang mga pasosyal na narrow-minded.
3. Inuuto mo na lang ako dito eh. *hahaha!*
4. Siyempre naman! :D *hugs*
Except for number 4, joke lang nang nabanggit lahat. Hahaha..
Delete*kiss sabay pahid ng sipon* bwahahaha
Yuck! *hahaha!* Manghahawa ka pa. Hindi man totoo lahat ng sinabi mo, papasalubungan pa rin kita. Kasi loves kita eh. *mwahugs*
DeleteWrite what you love. :)
ReplyDeleteI will, JM. No one can stop me! *hehe* Thanks! :D
DeletePeople have their own persona in their blogs.
ReplyDeletei dont think people have the right to judge you in an instant just because of what you write. It may be about your experiences but hey, they dont know you well.. You dont live in one roof for the longgest time kaya I think is kindda pathetic for a people to just give you a brand because of what they read ahaha..
sorry po if may natamaan its my POV lang naman ehehehe...
Madalang na lang ang mga taong hindi judgmental ngayon. Ang marami ay yung mga nanghuhusga ng kulang-kulang ang detalye. Ayun. Bow. Sana mabasa nila ito, mga kupal sila. *hahahaha!*
Deletetara kantahan na lolz
DeleteGusto ko kung paano mo binigyan diin ang katagang "Promote what you love, instead of bashing what you hate."
ReplyDeleteTama nga naman sa mga punto mo, kung baga walang pupilit na basahin at namnamin ang mga nakatala sa iyong poste kaya naman huwag sila humusga ng naaayon lamang sa iyong ginawa, hindi ka nila kilala ng personal.
Ika nga nila bawat tao may lugar sa mundong ito simple man o mayaman, lahat ay pantay-pantay.
Ako'y nagagalak na gumagamit ka ng ating sariling wika. Kudos Ginoong Geosef sa paggamit nito.!!
Mabuhay ka!!
May mga tao lang talaga na sadyang ganoon. :(
DeleteMaraming salamat zerojournal!
sino ang umaaway sa'yo? gusto mo patambang natin? haha
ReplyDeleteanyway deadma na lang jusko pinapakumplika lang nila buhay nila. ang dali-dali kayang umeksit at mag-close ng tab kung hindi bet ang nababasa. duh. hehe
anyway gusto ko yung taong may ibang layer sa pagkatao. i like the irony na mahiyain ka sa personal. i want to meet youuu naaaa! :) pa-autograph ha? haha mahilig din ako sa mga taong may flaws at hindi malinis at perpekto. i mean our flaws make us human. :)
go lang nang go! sabi nila kapag manunulat ka at may hindi ka nakakasundo dahil sa panulat mo, it means you are doing a good job kasi may taong nayayanig mo sa kanilang comfort zone at pinupush mo silang lumawak ang kanilang worldview. hehe so dali stir the nest! hehe :)
Oks lang naman kung exit-an nila ang blog ko eh. Kaso ayaw ko lang ng may naririnig pa na hindi maganda, lalo na kung parinig na vague. Kung hindi kayang sabihin ng derecho ang negative criticism, sana sarilinin na lang nila. Bow.
DeleteMarami akong layers. Lesbian, Gay, Bisexual, pati Transgender; sakop ko lahat yan! *hahaha* Lagi kang tumatambay sa Cubao, pero wala tayong chance na mag-meet. Saang body part mo gusto magpa-autograph? *hehe*
I won't change my write-ups just for the minority. They have to love me for what I am. *hihi*
sa PBO pwede tayong magmeet! though hindi ko alam kung paano magmember dun. hehe
Deletejusko oo deadmahin ang mga detractors na yan. hehe bongga ang may hater ibig sabihin nun sikat na sikat ka na. nyahaha
saan nga ba masayang magpa-autograph? hihihi
Hindi na ako member ng PBO eh. At wala na kong balak sumama dun. :(
DeleteHaters gonna hate KC, kahit anong gawin ko. :3
Kung saan ka may kiliti! *hihihi*
Points well taken. Walang pakialaman ng blog. If people find it offending, eh di wag sila mag basa. Ang iba kasi pakomplikado kahit di nila life(and spices .. lols promote) . You look naman normal when I met you.
ReplyDeletePumaparaan ka June ah. *hahaha* Maraming salamat! :D
DeleteMukha lang, pero abnormal talaga ako deep inside. :P
ha ha meganun pa ... hmmm , I am sure tungkol yan sa post mong pagjajakol he he he he .... eh kasi naman very graphic ang pagsasalarawan mo ng hobby na iyan noh ... kaya may ilang natamaan at natilamsikan he he he ... pero okay lang iyan ... just welcome and expect those criticism ... after all , in this world , we just can't please everybody ... : )
ReplyDeleteI like the puns Kuya Ed! *hahaha* Baka mas mawindang sila sa next entry ko. I think mas bastos yun! :P
Deletekahit ano gawin mo, isulat at maging pananaw, may masasabi at masasabi sila sayo bwahahaha! fak them all brader! you are what you are bro at sariling pahina mo ito. sulat lang ng sulat :D
ReplyDeleteYeah, fuck them all! Let the haters keep on hating. :3
DeleteKaya nga blog eh, its your log dito sa web. you can say whatever you want to say, hindi ito kailangan ng panghuhusga ng ibang kritiko,lalo na kung "blogger" din, dapat alam nila iyan. its your life. hindi ka gumagawa ng literary piece or something, its sharing your thoughts, your experiences. Kawawa naman yung blogger na yun. Iba ang matalino sa gumagamit ng utak. make sense, right? hahaha
ReplyDeleteWow, Tonto. Tumatalino ka na talaga! Panay siguro ang kain mo ng gulay lately no? *hehe*
DeleteMaraming salamat sa encouragement. :)
Well you know what they say "Your Blog, Your Rules"
ReplyDeleteThis is my universe, so ako magde-decide ng rules na maggo-govern dito. :D
Deletethere will always be internet trolls. i've never learned to deal with the kind though
ReplyDeleteAng problema, kahit sa personal na buhay ay trolls sila eh. *hehe*
Deletebasta ako, gusto ko ang sinusulat mo.. period..
ReplyDelete:D
No erase, padlock? *hehe* Salamat Ceiboh! :3
Deletemay halong sampal at ngiti ang naranasan ko sa nabasa ko. kasi ako, I wear my emotions in my sleeves sabi nga nila. and it translates sa sinusulat ko kaya tuloy it akala ng marami warfreak ako (weh totoo naman kasi) pero natuwa ako sa post na to kahit namaga pisngi ko. tatak ng isang tunay na mahusay na maninitik :p
ReplyDeleteMaraming salamat Jeki! :) Heto ang yelo oh, para sa namamaga mong pisngi. *hehe*
DeleteHindi nga , teka gusto ko pag usapn ang lablayp sana sa next post hahaha imishew sep
ReplyDeletePag-usapan natin sa personal. Wag dito! *hahaha* I miss you too Josh! :D
Delete