FOREWORD ~ THIS BLOG CONTAINS HOMOSEXUAL STORIES WITH EXPLICIT LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Saturday, January 11, 2014

Ikaw, Ako, At Ang Paupahang Kwarto

"Sigurado ka na ba talaga?"

"Oo... Sorry kung biglaan ha. Ilang linggo ko na din pinag-iisipan to... Kailangan ko ng bawiin itong kwarto."

"Okay lang. Matagal ko na rin naman na nararamdaman na mukhang dapat na ko maghanap ng bagong uupahan. Naalala ko yung time na umuwi ako sa probinsya, tapos may bisita ka na pinatulog mo dun sa kwarto ko."

"Ah yun ba... Pasensya ka na ulit dun ha. Natutunan ko na ang dapat matutunan. Hindi ko na uulitin yun."

"Wala na yun. Na-offend ako, oo, pero inamin mo naman yung mali mo. Mas mabuti na yun kaysa sa nalaman ko mula sa iba. Yun nga lang, simula noon, parang sinimulan ko ng i-detach yung sarili ko sa kwartong ito, kahit na gustong-gusto ko ito. Kaya ngayon, di na ako masyadong mahihirapan na lisanin ito."

"Paano ka niyan? Saan ka pupunta?"

"Hindi ko pa alam. Pero di bale, kaya ko naman ang sarili ko. Ako pa... Marami akong pwedeng gawin pag-alis ko dito. Bilang ko na ang mga plano ko. Wag mo ako alalahanin."

"Nahihiya ako sa'yo. Pero maraming salamat sa pag-unawa mo. Alam mo ba, sa lahat ng border na tumira dito, ikaw ang pinakapaborito ko so far."

"Sus. Wag ka nga. Sabihin na lang natin na naiintindihan ko na marami ka pa rin gustong paggamitan ng kwartong ito... Ikaw ba, will you be fine?"

"Di ko alam... Siguro. Matagal din kitang nakasama dito sa bahay, nasanay na ako, kaya medyo nag-aalala ako kapag mag-isa na lang ako. Natatakot ako sa katahimikan at lungkot na maaaring mag-hari."

"Wala kang dapat ikatakot. Wag kang mangamba. Wag mong isipin ang mga nasa likod mo, at lalong wag mong alalahanin ang mga nasa harapan mo. Mag-focus ka kung saan ka man nakatayo ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kasi iyon ang pinakaimportante sa lahat. Tama na ang pag-iisip, ginawa na ng utak mo ang parte niya."

"Naintindihan ko."

"Teka, matanong ko na rin, ano bang eksaktong gagawin mo diyan pag-alis ko?"

"Sa totoo lang, hindi ko pa sure. Baka diyan muna ako magka-kwarto for a while. Aayusin ko siya habang inaayos ko din ang sarili ko. Papatibayin ko yung mga dingding, tatakpan ko ang mga butas. Pipinturahan ko ng bago, papalitan ko ang pinto at ang mga salamin ng bintana."

"Ah, mabuti nga yan. Para sa susunod na border mo, mas mae-enjoy niya ang pagtira dito. Pwede mo pa taasan ang singil ng rent, di ba. Ang swerte ng susunod na uupa dito."

"Matagal pa naman yun, for sure. Wala pa akong balak na magpaupa ulit. Parang gusto ko munang pagsawaan na ma-solo ko itong bahay... Kung gusto mo, pwede ka namang bumalik upang umupa ulit."

"Maybe. Pero most likely, hindi na. Oks na ko. Once na lisanin ko ang isang tirahan, di na ko ulit bumabalik, kasi gusto ko ring makaranas tumira sa bagong lugar. Akala mo ikaw lang ang adventurous ha."

"Well, kung ayaw mo na ulit umupa dito, at least kahit bumisi-bisita ka na lang. Maa-appreciate ko yun ng sobra."

"Sure, walang problema. We can still be good friends kahit hindi na tayo housemates. Pwede mo rin akong bisitahin sa bago kong titirhan if ever."

"Ikasa mo. Or maybe a hug for old times' sake?"

"No problem. Halika dito."

21 comments:

  1. Parang ang kompikado lang. Parang hindi ung pa rerenovate ng room at pag solo sa bahay ang real reason kung bakit niya binanawi ung kwarto at he said to the border na pwede siya bumalik kung gusto pa niya umupa. Concern din siya if saan ito pupunta. nung sinabi ng border na ayaw na niya bumalik, nag offer siya na pwede ito bumisita at sobra niya ito maapreciate. at nag asked ng hug sa last. Hmmmp. parang may something na ewan. at ewan din sa koment na to..lols

    ReplyDelete
  2. Kung tama ang basa ko sa iyong metaphor, lubos akong nalungkot sa iyong istorya.

    ReplyDelete
  3. bumped into your space.. nice posts.. keep it up.

    ReplyDelete
  4. .... *hugs* bakels. Bakit ako nalulungkot?????

    ReplyDelete
    Replies
    1. pansin ko lng, swak kayo ni Sepsep sa ka-emohan issues sa buhay lol

      Delete
    2. Soulsisters yata kami kaya ganun. Hahaha

      Delete
  5. ilan bagay dito ang literal? *tapik sa balikat*

    ReplyDelete
  6. True story ba ito na nagpapanggap na fiction?
    Anong meron sa kwarto? Anong namamagitan sa dalawang karakter na walang pangalan?
    Bakit kailangang maghiwalay kung walang mabigat na dahilan?
    May second part ba ito?
    Dami kong tanong, haha.

    ReplyDelete
  7. Masyadong malalim yung pinaghugatan ni landlord/caretaker para sa isang normal conversation. Fiction ba ito?

    ReplyDelete
  8. parang hindi lang basta boarder at landlord ang relasyon nila he he he ... parang there's more than meets the eye ...

    ReplyDelete
  9. bittersweet talaga ang paghihiwalay.

    i hate goodbyes.

    ...at minsan sinasadya kong tanggalin sa bokabularyo ko ang salitang yan dahil pakiramdam ko mas masakit pa yan sa i hate you.

    virtual hugs.

    ReplyDelete
  10. i'm really sorry to read this. i know how this feels.

    ReplyDelete
  11. Ngayong nilisan ko na rin ang aking tahanan for good, relate much, not of the space but the people around me, the memories and the things I cannot bring back or fix. Aayusin mo ang kuwarto is exactly what I wanted to do with my life, ang ayusin ito, kung saan ba ako lalagay.

    ReplyDelete
  12. parang interesting kung anu nga ba ang kwento sa likod ng post na ito..

    ReplyDelete
  13. ano ba ang namamagitan sa dalawang nag-uusap? hmmnnn... Ano kaya susunod na mangyayari?housemates turned FUBU? hehehe

    ReplyDelete
  14. hmm.. **shakehands** nakakagulat, isa itong himala, nagcomment ang Patatas. Kanina, kumakain ako ng mangga, kahit hindi pa season, namunga ang mangga sa harap ng bahay. May mga bagay na di inaasahan pero nangyayari. mga bagay na natatapos, para magbigay daan sa bagong yugto. Una kong nasa isip hindi masarap ang mangga, pero pano ko malalaman ang lasa? binuksan, tinikman, inubos. matamis ang mangga.

    ReplyDelete
  15. Maayos naman ang umuupa. Pero naisip mo, maganda kya ang hitsura ng silid na walang laman? Gusto mo yung pakiramdam na ikaw ang may kapasidad na lagyan eto ng laman kung kelan mo gusto, kung sino. Kahit naman masaya ka sa kasalukuyang umuupa, gusto mo lang ulit maalala at maramdaman kung gaano katahimik ang pag iisa.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...