Kung magmamahal ka man, 'wag mo ibibigay ang lahat. Yung sakto lang.
Madalas ko 'yan marinig, ngunit hindi ko sinusunod. Ewan ko ba, matigas lang talaga ang ulo ko. Kapag tinanong mo ang nanay ko, hindi magdadalawang-isip yun sa pagsang-ayon.
<Commencing Pa-Deep Mode>
Kung magmamahal ka man, matuto kang kumilatis, suriin mo siyang mabuti, at kung may tiwala ka sa hatol mo, doon mo ibuhos ang nararapat, ang lahat ng kaya mo. Hindi ka karapat-dapat magmahal kung hindi mo ito kayang paghirapan; kung wala kang kakayahan na magdusa para dito. Ang tunay na nagmamahal, hinding-hindi nakakalimutan ang masalimuot na mukha ng pag-ibig.
Ituring mo ito na parang isang sugal. May panalo, may talo. Kung magwagi ka man sa unang subok, binabati kita, ang swerte mo. Beginner's luck, ika nga. Kung kabiguan ang ending mo, matuto ka mula sa iyong pagkakamali. Sigurado, sa susunod mong taya, mas alam mo na kung paano ang diskarte.
'Yan ang prinsipyong ginamit ko sa iyo nung una kitang makilala. Pinag-aralan kita. Inalam ko ang mga posibilidad na pwede nating kahantungan. Sumugal ako.
Mabuti na lang, ako'y pinalad. Kaya iprinisinta ko sa'yo ang lahat ng kaya kong ibigay.
Di na bago sa'yo ang katotohan na marami akong hirap na dinaanan, mapunta lamang tayo sa kung ano tayo ngayon. Meron akong mga sinakripisyo, may mga nagawa akong pagkakamali. Naging dahilan ako ng ilang pag-aaway natin. At alam ko na ganoon ka rin naman. Hindi naman magtatagal ang isang relasyon kung isa lang ang palaging kumikilos; teamwork kaya 'to. Kaya congratulations sa atin! Nagawa nating umabot sa ganito. At hanggang ngayon, kinakaya pa din natin.
<Pa-Deep Mode Completed>
Wala talaga akong kwenta kapag pinipilit maging malalim no? Pagpasensyahan na, trying hard lang... Well, at least sinubukan! *hmpf*
Maiba lang ako.
Nagtataka din ako minsan kung paano natin nagagawang makisalamuha sa isa't isa. Ang dami kaya nating pagkakaiba! Alam mo din yan di ba? Huh, nakalimutan mo na? *tsk tsk* Heto, ipapaalala ko sayo.
~Ulyanin ka, malakas pa ang memorya ko.
~Magaling ka umawit, madalas akong sintunado.
~Demure ka sa kama, wild naman ako.
~Bundok at gubat ang kinalakhan mo, siyudad at polusyon ang nakasanayan ko.
~Hardcore sa sarap ang mga lutuin mo, samantalang ako, magaling lang kumain.
~Masipag ka sa gawain bahay, ubod naman ako ng tamad.
~Wawents ka magbigay ng surpresa. Hindi ka marunong. Daig pa kita.
~Mahaba ang pasensya mo, alam mo kung gaano kaikli ang sa akin.
~Kapag nanonood tayo ng horror movie, halos naka-glue na sa screen ang mga mata ko, pero ikaw, nangingig sa tabi ko habang nakakapit sa bisig ko.
~Lumaki kang sanay sa putik, ako naman, diring-diri dito.
~Great listener at good advisor ka, may ADHD ako.
~Madalas kang gala. Alam mo ang pasikot-sikot ng mundo. Madalas din naman akong lumabas ng bahay. Ang problema lang, madali ako mawala. Mahina kasi ako sa geography.
~Matalino kang mag-handle ng pera; masinop at matipid. Pero ako, gastador at impulse buyer. *huhu*
~Top ka, bottom ako.
Oi! Yung huli kasinungalingan yun ha! Asa pa.
Teka, pansin ko lang, base sa mga nakalista sa itaas, parang lugi ka ata sa akin? Di kaya? Buti di ka pa nauuntog. Napakatibay talaga ng helmet na pinasuot ko sayo ah... Pero sabi nga sa isang sikat na movie na may cliche na quote, you complete me. Kaya siguro natatagalan pa kita. Ay este, 'mo pa ako' pala. *hahaha!* Sabay ngiti ng abot tenga oh.
Don't worry. Meron pa rin naman tayong pagkakatulad. Heto sila oh.
~Parehas tayong mahilig sa mahabang foreplay.
~Mahilig tayong manood ng movies and foreign television shows.
~Love natin ang mga musicals.
~We both have great friends.
~Supportive lagi tayo sa isa't-isa.
~Big deal ang pamilya sa ating dalawa.
At marami pang iba, tinatamad lang ako i-enumerate lahat. Pero I'm sure, mas mahaba dapat ang list na 'to kaysa dun sa nauna. Pramis. Mamatay man mga kurakot sa Senado.
Shangaps, naalala mo 'yung kwento ko sayo tungkol sa mga magulang ko? Magkababata sila, magkapitbahay. Hanggang magdalaga at magbinata sila, palagi nilang nakikita ang bawat isa. Si Papa, matalino't masipag na ginoo, pero barumbado't siga rin ng kanto. Si Mama, mahinhin na babae, kaso pagdating sa sugal, akala mo may PhD. First love nila ang isa't-isa, hanggang sa naging magjowa sila. Si Papa, animo'y maamong tuta kapag kasama si mudra. Umiiwas sa trobol, daig pa ang anghel. Si Mama naman, itinigil na ang bisyo sa Tong-Its. Kuntento na lang sa audience participation. *sigh* The sacrifices you do for love. Mahaba ang naging prusisyon ng relasyon nila. Kaya ang ending, sa simbahan din natuloy... 24 years later, ayun, sila pa rin. At hanggang ngayon, talo pa nila ang magsyotang high school students. Madalas nakakatuwa, minsan nakakaumay na.
Ang sweet no? Bilib ako sa kanila at naa-accomplish nila ang ganoon. Biruin mo, mula pagkabata? At first pa nila ang isa't-isa? Rare na ang ganyan ngayon sa mga straight relationships, paano pa kaya sa gaya natin? Parang sapul sa buwan na lamang. Tatagal kaya tayo ng ganon? Ano sa tingin mo? Well, I want to be optimistic. Mahirap, pero posible.
Paiba-iba ba ako ng topic? Seryoso akong nagsimula, pero patagal ng patagal ay naging sabaw na. Sorry naman.
Di ko na papahabain pa to. Baka mabatukan mo na ako. Alam kong mababasa mo ito. At kung mangyari man 'yon, itikom mo lang ang bibig mo, nangangamoy eh. *hahaha!* Biro lang. Ito naman... Kiss na lang kita. Yung torrid at wet, oks lang?
Pero seryoso, gusto kong magpasalamat. Sa lahat lahat. Hindi ako magsasawang gawin 'yan kasi ikaw ay isang constant na blessing sa buhay ko. Oha!
Hindi ko na sasabihin pa ang mga salitang halos araw-araw mo namang naririnig mula sa akin. Alam mo na din 'yon. Okie? See you later, alligator! *mwahugs!*
Opposite attracts sabi nga ng physics.
ReplyDeleteEh since nagpapalalim ka na rin lang eh palalimin na rin natin ang sasabihin ko.
Sa totoo lang, kung iisipin mong mabuti, kung magni-nilaynilay ka simula sa umpisa, simula sa unang tumibok ang puso mo simula sa unang namula ang mga pisngi mo sa pinaka unang pagkakataon na hindi ka nakapag salita kapag nasa harap mo na ang taong gusto mo.... simula sa pinaka unang pagkakataon kang lumuha, sa pinaka unang kaganapan na ika'y nag sakripisyo at nabigo, sa pinaka unang pagkakataon na ika'y umasa at pinaasa, sa pinaka unang pagkakataon na ika'y nagmahal....
kung susumahin mong lahat ang mga karanasan mo sa pag ibig. masaya man o malungkot...
hindi ka makakakita ng pormula. umibig ka nga sa kapareho mo ngunit hindi rin nagtagal umibig ka rin sa kasalungat mo pero hindi rin nagtagal. Sa panget, sa gwapo, sa matangkad, sa mabait, sa hindi mabait, sa edukado, sa hindi, sa malaki ang nota at sa pinaka malalim at masikip na pwerta.... hindi ka makakakita ng pattern, ng aesthetics o ng history para masabing magwawagi ka sa pinasok mong kalokohan. Gaya nga ng sinabi mo sugal nga ito.
Ngunit hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon ay swertihan lang ang pag ibig. Marahil sa umpisa swertihan lang pero habang tumatagal, sa loob ng pakikipag relasyon, maraming bagay na ang dapat isaalang-alang. Patience, Faith, Trust, Wisdom, Sacrifice, Team Work... kaya hindi rin totoong "Love is enough"
Am I making any sense here? Hehe!
At para sa pang huling kataga.. babahagi ko lang sa iyo ang paborito kong quote galing sa movie na ang pamagat ay "safety not guaranteed" palagay ko may kinalaman ito sa post mo
Questions you have to ask yourself before entering into a relationship
"To go it alone or to go with a partner? When you choose a partner, you have to have compromises and sacrifices, but it's a price you pay. Do I want to follow my every whim and desire as I make my way through time and space? Absolutely. But at the end of the day, do I need someone when I'm doubting myself and I'm insecure and MY heart fails me? Do I need someone, who when the heat gets hot, has my back?"
Woah, Nomad. Ito na ang pinakamahabang comment na natanggap ko. *haha* Salamat!
DeleteAng lalim ng mga sinabi mo. Sa sobrang deep, hindi kayang abutin ng sisid ko. *hehe* Pero naintindihan ko. You made sense. :)
chosera ka may mas mahaba pa diyan (Ooops! no pun intended)
DeleteKasing haba na ng isang blog post yung comment mo eh. *hahaha!*
DeleteHahahaha! behave ah..
Deleteanu ka ba nililinlang lang kita diyan wala kwenta mga sinabi ko. Hahaha!
well, I missed you este reading your blog.
Nyahahahaha!
May ganun? *hehe* Akala ko nga hindi ka na ulit bibisita dito. :P
DeleteLagi naman ako nandito... observing you (Creepy. Hahaha!)
Deleteseen you grown from afar and I'm so proud of you (nanay?) Hahahaha!
Lagi naman ako nandito di lang ako nag iiwan ng footmark but I'm always here :)
Stalker? *hahaha* Thanks ulit Nomad. I'm grateful for your presence. :)
Deletehahaha! ndi ah ndi nga kita ni follow sa IG eh.. :p
DeleteGrateful lang?
echoz!
***
Bat ganun ang seryoso mo ang kengkoy ko
Oks lang, I understand. *hehe*
DeleteDala lang ng antok. Wala pang tulog eh. :P
Ha?
DeleteWahahahahaha!
Matulog ka na nga eni eni na lang sinasabi mo diyan. Hehe
Deletelandian much. anu ba this is not the first time.
Deletehahaha flirt.
Inosente ang thread na ito. *haha* Walang halong malisya. :P
Deleteayyiiieee!!! ahahaha
Deletemasyadong malalim... nahirapan ako hahaha
ReplyDeletebilang isang soldier of love, sanay ako na igamble ang lahat alang-alang sa pag-ibig
para sa akin ang importante ay alam mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo :)
I know right? *hehe* Apir!
Deletemakiki-singit lang po....
Deleteganyan din ako noon, soldier of love. lahat ginawa. May advantage and disadvantage din siya.
Ang mahirap kasi sa ginawa at binigay ang lahat may risk na you'll lose yourself in the process at pag nangyari yon... mawawalan ka na ng sariling identity and self preservation. Mawawala ang individuality mo at unti unting iikot ang mundo mo sa partner mo
Eh pag nag break kayo, mahihirapan kang bumangon uli... sobrang hirap na pakiramdam mo nawala mo ang sarili mo na hindi mo na kilala ang sarili mo. Masakit. Sobrang sakit. Pakiramdam mo tinraydor ka. Sinaksak ka sa likod. Kaya susubok ka ng mga iba't ibang bagay para hanapin uli kung sino ka. Maglalasing ka, makikipag sex kung kani-kanino kasi feeling mo pag nakikipag sex ka you feel desirable again pero ang totoo mina-mask mo lang ang pain. Tapos susubok ka din mag drugs at mag ecstasy para feeling mo masaya ka lang. Pero in reality miserable ka.
Kaya minsan, hindi rin "dapat" at "nararapat" maging soldier of love. Kelangan medyo protective pa din tayo sa sarili natin.
***
Ay sorry ang haba na naman. nadala lang ako. Hehe!
hehe
Deleteyou shared a good point naman
I understand where you're coming from. I am also aware of the points that you raised. Magkakaiba lang talaga siguro tayo ng approach sa pag-ibig. :)
Deleteang cheesy ng mga nababasa ko lately. Ang sweet. Hihihi. May natutunan din ako. Ako kasi ung tipong di ibibigay lahat. ewan. trust issues siguro. thanks sa tip. :)
ReplyDeleteDi ko maiwasang magcomment dun sa horror movie part. natatawa sakin si partner kapag nanunuod kami ng horror sasinehan. magheheadset ako tapos magtatalukbong ng jacket nya then yayapos na sa braso nya tapos di papanuorin ang movie dahil sa takot.
muntik na ako tumambling sa top ka bottom ako. hahaha
Cheesy na to? *hahaha!* Pinilit ko nga na wag maging ganun ang post na to eh. Toinks. Palpak ang pagsusulat ko. *hehe*
Deletehhmm, kung ako sasabihan ng ganito, hmm wala lang parang normal lang. ECHOS! hahaha
ReplyDeleteof course kikiligin ako. :)
you know how to touch a *toot* haha joke! i mean someone else's heart. :)
I know how to touch different body parts. *hihi*
Deleteganyan ang mga gusto ko. marunong! hahaha Joke! :P
DeleteSana nabasa niya itong love letter na ito. Hehe.
ReplyDeleteI'm sure he will. :)
Deleteang sweet naman. nakakainggit. ang sarap pumatay para walang maging masaya.
ReplyDeleteCHAROT. HAHAHA ang bitter lang nung last sentence ko. so take two..
ang sweet naman. nakakainggit. ang sarap magbasa ng mga ganito kasi mas lalo akong naglulook forward sa taong makakatuluyan ko. hehe
anyway about sa pagmamahal na yan, naisip ko tuloy, im a risk taker... pero pagdating sa pagmamahal, hindi ako sumusugal. pinangungunahan ako ng takot. o ng kung ano mang agam agam. kaya ayan single pa rin ako till now.
pero naisip ko okay pa rin. baka kasi wala pa yung taong dapat pagsugalan ko. yung taong handa akong makita ang pangit na mukha ng pag-ibig sa kaniya. hehe.
ang sweet niyo. shet. siguro para kayo yung crush kong couple. hahaha
Kaya makipagrelasyon ka na! Masarap ma-inlove. Pero ingat ingat din kapag may time ha. :P
Deletepwede naman akong makipagrelasyon. ang tanong kanino? haha
DeleteAyun ang big question mark. :P
DeleteAng ganda nong post mo.
ReplyDeleteKahit anong mangyari,tuloy lang ang buhay.
Salamat po. :)
DeleteSa simula maiyak iyak ako sa lalim ng post mo iho. Kaso pagdating sa gitna, di ko na mapigilan ang tumawa nang maigi. Patawarin mo ako. Lasing ka ba nung ginawa mo to? Peace!
ReplyDeleteAaah eto pala yung kwentuhan noong isang araw. Sabi ko na nga ba, sya yung top eh! LOL.
Sensya na, nakahithit lang ako ng tambutso. *hahaha!*
DeleteYup, thanks for giving me the idea para sa post na ito Javes. ;)
Wechat tayo, gusto kita maging friend, earlochia id ko
ReplyDeleteFacebook at Instagram lang po ang meron ako. :)
DeleteEarl ochia fb ko and alasfred instagram ko :)
Deleteang haba ng comment ni Nomad, hindi ko kaya yun! hahahaha
ReplyDeletepero napaisip lang ako, what made you write this entry??
it's good to see na kilala mo na talaga si partner mo and alam mo na ang totoong timpla nya..
eeeeeeeeeeeeeehhhh..
push mo na ung "bottom" part mo.. ahahahaha!
joke!
:)
I was talking to Javes nung isang araw, and he gave me the idea for this post. Since Ace just started reading my blog, I thought it would be nice kung mababasa nya to. Baka sakaling gantihan nya ako sa kama. *hahaha!* Ang landi... :P
DeleteBooom , bottom ka anak? Paki explain , ilabyu! Hahaha..
ReplyDeleteRelate much ako sau pero alam mo ba sa pagkakaiba ninyong dalawa naging mas exciting ang relasyon nio at the same time hindi kau magsasawa ...
Yan ang reason kung bakit hanggang ngaun 4th year anniv n nmin ng jowa ko kasi katulad nito , kapuso ako kamilya siya , top ako bottom siya lols
Wow, talo nyo pa kami. Ang sweet naman. Congrats ha. Stay strong! :D
DeleteAng sweet! Im inggit hihi
ReplyDeleteThanks Mac. :)
DeleteMas inggit ako sayo, kasi may fleshlight ka na. *hahaha!*
nice read. (tama na ang mahahabang comment dahil mahahaba na ung iba ^_^ ) John
ReplyDeleteThanks John. Next time na ang long comment. *hehe*
Deletemagkakadiabetic yata mata ko sa nabasa ko. hahaha
ReplyDelete*hahaha!* Sorry naman. Last na yan, pramis! :P
Deletei just hate Nomad... dunno y! hehehe
ReplyDeleteAno ba ginawa sayo nun? :P
Deletedami kasing alam niyan... di na lang nya i-blog! hahaha
Delete