FOREWORD ~ THIS BLOG CONTAINS HOMOSEXUAL STORIES WITH EXPLICIT LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.

Tuesday, October 14, 2014

Usapang Otoko

For me, ang mga lalake ay parang tinapay: masarap, staple, and important for regular consumption. May malinamnam, may nakakauta, may malaman, may manipis, merong chewy at merong tustado, may dry, may moist, mayroong malalaki at meron ding maliliit, merong fresh, merong stale, merong siksik, at pati puro hangin lang ang laman.

Maraming uri meron ang tinapay: pandesal, tasty, monay, spanish, mamon, etc. Iba't-iba man ang hugis at itsura, iisa lamang ang lasa nila. Ang tinapay ay tinapay. Period. Masarap man ito, maaaring madali kang mananawa sa lasa if you'll continue to eat it by itself. The solution? Lagyan mo ng palaman 'teh.

Madalas kung minsan, para sa mga kiddos, mas mahalaga ang anyo ng tinapay, pero sa mga adults, mas importante ang palaman. Mayroong mukhang yummy, pero nakaka-disappoint sa unang kagat pa lang. Mayroong nakakawalang-gana pagmasdan, pero paniguradong mauubos mo. Merong maganda na, masarap pa. At meron ding iluluwa mo talaga dahil parehong di kaaya-aya ang loob at labas.

Hindi mo malalaman sa tingin, kailangang tikman mo rin.

Uy, nag-rhyme yun ah. lol... Anyway, with this post, let me share with you kung anu-anong palaman ang paborito ko sa aking mga otoko, ay este, tinapay pala.

1. COCO JAM

Isa ito sa mga palaman na aking kinalakihan. Being sweet and unique, hindi ito agad nakakaumay at may lasang hahanap-hanapin mo. Yun nga lang, mahirap i-spread ang coco jam sa tinapay. Ubod ng lapot kasi ito, minsan nga matigas pa. Pero kahit malaking effort man, sa sarap nito ay siguradong worth it naman.

Ganyan rin ang bet ko sa lalaki: may originality and hindi easy to get. Papadain ka muna sa butas ng karayom dahil alam niyang karapat-dapat siya sa effort na ibibigay mo. I admire men that could offer something different. Mas masarap ang kagat ng tagumpay kung pinaghirapan mo muna ito.

2. COOKIE BUTTER

May isang dahilan kung bakit mas prefer ko ang cookie butter kaysa sa peanut butter. Parehas ko man silang gusto, naiinis ako sa tuwing binubuksan ko ang garapon ng peanut butter at nakikita kong nagmantika siya. Kailangan pa kasing haluin ng haluin; kaya sa kakahalo, parang nako-confuse tuloy siya lalo kung ano ba talaga dapat ang kanyang anyo. Hindi siya stable at consistent, di gaya ng cookie butter—creamy na, yummy pa.

Stability and consistency. Sa hirap ng buhay ngayon, importante ang makahanap ng stable na hombre. Yung mayroong mga pangarap at goals, tapos alam niya kung paano ang pag-abot ng mga ito. Dapat lang din na consistent siya sa pag-express ng kanyang pagmamahal. Hindi yung sala sa init, sala sa lamig; minsan malinaw, minsan malabo; o papalit-palit from sweet to bitter, and vice versa.

3. CHEEZ WHIZ

Of course, like Cheez Whiz, dapat marunong ding magpaka-cheesy si boylet. Yung cheesy na romantic, hindi creepy ha. There should always be an allowance for cheesiness and silliness for they are key ingredients of a happy relationship.

4. BUTTER

Swak ipalaman ang butter sa mainit na pan de sal. Madali kasi itong matunaw kaya dumidikit sa tinapay ang lasa. Dapat ganito ang isang ideal guy, easy to soften at hindi hard to maintain. Mabilis mag-mellow dahil hindi mataas ang pride. Kahit gaano man katigas kapag cold, meron pa ring soft side: hindi mahirap palambutin if you apply some warm affection.

5. EDEN CHEESE

Bakit dalawa ang cheese sa list na ito?

May isang quality ang Eden Cheese (and the likes) na wala ang Cheez Whiz: ang pagiging totoo. Para sa akin kasi, ang real cheese ay yung nasa solid form, samantalang yung mga thick liquid na cheese spread ay imitation or artificial lang. I could be wrong, but yun na kasi ang naging point of view ko mula pagkabata.

Anyway, ang point ko lang naman, dapat ang mamahalin kong otoko ay yung honest at trustworthy. Hindi mapagpanggap. Yung totoo sa kanya sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya. He should know how to be open kahit makakasakit man, and respects you enough to tell you the truth. Nothing is more attractive than a man who can say the truth because he trusts that you can handle it.

6. MAYO AND EGG

Ang mga tingin ko sa lalaking mga family-oriented ay parang mayo and egg sandwich. Sa tuwing merong outing ang family ko, expected ko nang ito ang palaman ng mga baon naming loaf bread. I like eggs and I like mayo. Put them in a bread together and it's a blast! Kung magkakaroon ako ng partner, mahalaga sa akin na maganda ang relationship niya sa kanyang pamilya. You can know a lot about a person just by looking at how he treats his family.

7. STRAWBERRY JAM

I like my strawberry jam the way I like my men: sweet and made in Baguio. *wink*

There you go, sisters. Masyado bang malayo ang comparison? 'Wag na lang kayong basag trip, pwede? lol

Gaano man kasarap at ka-fresh ang isang tinapay, in the long run, sa palaman lang din naman actually nagkakatalo 'yan. Dahil familiar ka na sa lasa ng panlabas, nagsisimula ka nang mag-focus kung ano ang nasa loob, kung ano ang mas importante, para mas angat ang enjoyment mo. Kaya kilatisin mabuti ang bawat palaman gaya ng pagiging choosy mo sa lalaki. Ikaw rin, mahirap ang magsisi sa huli.

So ikaw ba, which spreads do you like on your bread? :)

18 comments:

  1. Gusto ko ng lahat ng palaman na yan sa aking pandesal.=)
    Kaso mukang pangit ang lasa pag pinaghalo halo ko yan sa iisang tinapay. Hahaha
    Kung pipili ako ng palaman ang pipiliin ko ay....hmmm anu ba..
    coco jam siguro, kasi mahalaga sakin ung originality ska gusto ko ng partner na kaya iembrace ung uniqueness nya.
    pangalawa ung eden cheese, coz i value honesty,above trust and love.
    third mayo and egg. coz i love family man. and i love watching the family guy.
    siguro, pag pinaghalo halo ko yang tatlo e masisikmura ko ng makain ung bread. hehe
    Nice read Geoff =)
    ---> Mon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naaliw naman ako sa comment mo, Mon. Ano nga kayang lasa kapag pinaghalo-halo ang tatlong 'yun? Oh well sis, for love, kailangan talagang sikmurain ang lahat. ;)

      Delete
  2. Kaya nga pumili lang ako ng tatlo sa napakadami mong palaman haha
    Tama! Kung para sa pagibig e sisikurain lahat. May Motillium naman pag kinabag at nasobrahan eh =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. *hahaha!* Basta ako, kaya ko sikmurain lahat 'yang pito. I think it's worth the stomachache. ;)

      Delete
  3. haha! ayos ang analogy ah.

    Ang hombre at otoko ba Sep magkapareho lang yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, Papa Froi. They are gay slangs for 'lalaki'. *hihi*

      Delete
  4. butter, cream cheese, at syempre hotdog.

    mas malaki mas magaling. minsan selfish ako gusto ko dalawa sabay.

    ReplyDelete
  5. sino kaya yang taga baguio na yan? hehe

    ReplyDelete
  6. ha ha nice comparison Sep .... ako gusto ko palaman Reno , para mas meaty he he ... at saka sandwich spread din para may konting asim he he he ; )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy nakalimutan ko yung Reno. Gusto ko rin yan! :D

      Delete
  7. yung eden cheese lagi ko pa din pinapapak. haha! nakaka sampung pandesal ako pag meron.
    hi sep! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe, antakaw mo talaga. *hahaha*
      Hi Hamster! :)

      Delete
  8. Dahil lumaki ako sa bakery malapit ang tinapay sa puso ko.

    Bago ka pumili ng palaman, di ba pipili ka muna ng tinapay. Meron kasi tinapay na may palaman na o may flavor na. Yung iba plain. Pero kahit plain, pipili ka parin ng hugis, tigas, kulay at kapal.

    Parang sa lalake din. Pipili ka muna ng lalaking di mo pagsasawaan. Yung kahit ilang beses mo na siya kasama, di ka mauumay. Yung tanggap mo siya ng buong-buo dahil siya ang tinapay na pinili mo at ikaw rin ang pinili niya. Na kung ano man siya ay sakto at sapat na dahil di ka nga naman pipili ng tinapay na di mo gusto di ba.

    Kaya sa pagpili pa lang, Ensaymada na ang gusto ko. Malambot, matamis, malinamnam at cheesy. Lahat ng hinahanap ko andun na. Di na kailangan ng palaman ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga no, hindi ko naisip yung mga tinapay na may palaman na.

      Mamon ang in-expect kong paborito mo, pero masarap rin naman ang ensaymada. :)

      Delete
  9. I hate cookie butter, ang awkward ng lasa sa tinapay.. kung ibabase ko sa tao, siyempre yung katulad ko, coco jam. parang ako, pakipot, sa kalagitnaan mo lang malalasahan ang sarap. pero ang fav ko ay mayo at egg.yung lang kasi ang ginagawa madalas pag me outing ang pamilya. pero ang pinaka gusto ko ay spam sa tinapay o kaya corned beef para puro protein.

    Siyempre kailangan partner sa tinapay na katulad ko din, yung matigas ang labas pero malambot ang loob. matigas tingnan pero malambot ang puso.

    me pokpok na nagcomment sa bandang taas oh. lels

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...