Hey, I'm baaaaack!
Wala lang. May naka-miss ba sa'kin? I don't think so. *whimper*
Nagbabalik ang inyong lingkod upang ipagpatuloy ang pagkalat ng kalaswaan at kabadingan sa mundo. This is my mission in life, and I must fulfill it. *hahaha*
So, ano nga ba ang nangyari? Ano ang dahilan ng aking mistulang pagkawala? At bakit pa ako nagbalik?
What did you say? Wala kang pakialam? Okay then... Well, para doon sa interesado, here's the story.
Everything was because of a certain girl from work. Let's just call her, uhm, Matilda. Yan, bagay na bagay yung name sa ugali niya. 5 weeks ago, habang busy ako sa panonood ng Youtube sa aking office PC, bigla niya akong nilapitan para istorbohin.
"Hi kuya Sep! Anong ginagawa mo?" tanong sa'kin ng kulot na bilat.
Tinignan ko siya ng isang beses bago sumagot ng, "Wala naman. Anong kailangan mo?"
"Uhm... Alam ko na yung blog mo," nakangisi niyang sabi.
Nagulat ako at napatingin ulit sa kanya. Kumikinang ang mga mata ni Matilda at buong-buo ang ngiti. Mukha siyang tumama sa lotto na ewan. Malamang napansin niya ang aking reaksyon kaya dagli kong binago ang aking facial expression.
"Anong blog? Wala naman ako nun ah," sagot ko ng naka-poker face.
"Kunwari ka pa eh. Nakita kita dati na may tina-type diyan sa computer mo. Nung sinilip ko, nabasa ko yung website. That's why alam ko. I remember color black pa nga 'yung background eh," kwento niya.
At that point, kinabahan na ko. Hindi pwedeng may makaalam sa office! Hindi maaari itooooo!
Gusto kong ihampas yung keyboard sa mukha ni Matilda, pero sabi ko na lang, "Ah... Oo nga... Pero hindi akin yun. Sa kaibigan ko 'yun. Pinapa-proofread lang niya sa'kin, actually."
"Weh? Di nga? So, walang kaso sa'yo kung babasahin ko 'yun?" pang-aasar niya.
Mahigpit na ang mga kamao ko. Plastic na ang mga ngiti ko. First time kong papatol sa babae kung hindi ako makapagpigil. Ngunit bilang isang gentlegay, ay este, maginoong bakla, ay pucha, uhm, bilang may malaking respeto sa sangkababaihan, I kept my composure.
"Totoo nga. So, wala ka pa pala nababasa dun?" tanong ko.
"Busy pa ko eh. Tsaka na lang kapag may free time," sagot niya.
"Inii-stalk mo na naman ako ha," sabi ko.
"Siyempre. Magaling ako mang-stalk lalo na kapag crush ko," sambit niya, sabay lakad pabalik sa kanyang cubicle.
I was left dumbfounded sa kinauupuan ko. Sadness and hopelessness rushed inside me like a swirling typhoon. I felt defeated. Nangyari na yata ang kinakatakot ko. Hindi na ako anonymous, hindi na safe.
Hinarap ko ang aking monitor at nagbukas ng bagong browser. With much regret, I deactivated my blog. Hindi ako prepared sa mga nangyari, kaya masama ang loob ko for the rest of the day. Then after that, hindi ko na lang masyado iniisip.
Eventually, natanggap ko na rin.
Hanggang sa kahapon, out of the blue, bigla kong naalala ang Alfabeto Della Mia Vita. That's why binisita ko ito at nagbasa ng ilang posts at comments. Afterward, na-realize ko na nami-miss ko rin ang mag-blog, na sabik na akong magkwento ulit, at hinahanap-hanap ko ang atensyon ng aking mga readers. Kaya ayun, nag-research ako ng mabuti upang maghanap ng paraan. Pinalitan ko ang mga dapat palitan, along with other extra safety measures. Hindi na rin ako magba-blog sa office para makaiwas sa bruhang si Matilda.
For now, all I want is a safe haven for my risky stories. Hopeful ako that this time, my anonymity will be kept intact. At wala nang mahaderang pechay na sisira nito.
So ngayon, balik tayo sa nakasanayan. Next post, isang kakaibang movie review. *hihihi* Pero gagala muna ako sa Ilo-ilo at Guimaras. I badly need a vacay eh. Magsi-swimming ako sa mangga.
Anyway, welcome back to me! :)
P.S. For those who have me listed in their respective blog rolls/lists, paki-update na lang po sana nung link ko. Thank you.
Welcome Back Babysep! I knew you'll write again. Hahahaha.. Happy Vacay :)
ReplyDeleteThanks Babykat! *mwahugs*
DeleteIN some ways, hindi dapat nagsusulat sa mga "compromising" na lugar ang isang anonymous blogger. Kaya ang mga taong katulad ni Matilda ay na eechos ka. Hehehe...
ReplyDeleteI'm lucky to have friends who have no interest in reading. Alam kong yung iba sa kanila aware sila sa existence ng blog ko, but since it involves reading, wala talaga silang effort at energy para i-click yung link. Besides wala naman akong isinusulat na "kakaiba". And besides, i believe they think that my life is boring so the entries are boring as well. I really don't care. As long as they keep out of my virtual realm, i'm happy with that.
If you wish to remain anonymous bakit mo inilagay ang photo mo sa Facebook? But then meron ka namang mukhang puedeng ipakita. Hehehe!
If you have problems with people who can compromise the blog's secrecy, do not hesitate to contact me. We can neutralize such kind of people and I'll help you to hide the body and other evidences. Hahaha!
It's good that you're back. To be honest hindi ako masyado tumatambay sa blog mo because some entries are too much overwhelming for me. Like I said, my religious predisposition made me an assholic judgemental inquisitor, and my virginal attitude causes me to feel a bit embarrassed. So masasabi natin na ilang entries lang talaga ang nabasa ko dito.
Despite all that, I make it a point to read some and try to read the others. You have an interesting mind, and in these days, i believe it is an imperative for us to appreciate interesting minds in a time where jejemonism and stupidity are establishing their realm, kahit pa ang mission nito ay magkalat ng kalaswaan at kabaklaan, hahahaha!
All i want to say is welcome back to the blogging world. Keep it up, whatever that is you can keep up always.
I know better now, Mr. T. *hahaha*
DeleteKabaligtaran ng friends mo yung friends ko. Yung akin mga usisero.
Nag-post ako ng photo kasi akala ko hindi na ko magba-blog ulit. Kaya no need nang maging anonymous sa FB. Eh kaso eto nga, kaya binago ko na. Naka-private naman ako dun.
Thanks for the offer. LOL! Sabihan kita agad if meron.
Oks lang yun. I fully understand if may mga taong hindi makekeri ang posts ko. That's why I put a foreword sa itaas. ;)
Thank you very much, Mr. T! Yes, I will always keep "it" up. *hahahahaha*
Ay nako. Baligtad tayo mr. Tripster. A workmate/friend of mine kinulit ako about sa blog ko. I gave in.
DeletePano mo napaltan link mo? Teach me, sep.
I'll teach pero dapat may kapalit. Uhm... Isang juicy and yummy cheesedog perhaps? *hahaha*
DeleteI just Googled it. Lahat naman makikita mo sa 'Settings'. ;)
Omg hahahha!
DeleteSalamat, Sep. :)
Naniniwala ako na ang pagku-quit sa blogging ay parang paglalayas ng isang anak sa kanyang tahanan, posible pero mahirap pangatawanan dahil lagi mo itong hahanapin at babalikan.
ReplyDeleteWelcome back, Geosef! :)
Nice comparison Kuya Ramil. Para bang once na naging blogger ka, super hirap nang itigil ito, lalo na if marami ka pang naiisip na ikwento. *hehe*
DeleteMaraming salamat sa suporta. ;)
I hate it when girls flirt. Its like an abomination to all mankind. Lol!
ReplyDeleteBasta wag lang silang maging creepy stalker, I don't mind. *hehe*
DeleteI mind! Selos ako eh. Hahahaha! Joke lang ;p
Deletehahaha, patay. Buti hindi mo pinatahimik ng tuluyan si matilda. lols :D
ReplyDeleteenjoy sa byahe
Next time, magbabaon na ko ng balisong. LOL
Deletemay naiisip akong itsura ni matilda hbng knukwento mo to. Lol
ReplyDeleteI-imagine mo si Angelica from 'Rugrats', adult version. :P
Deleteah kaya pala. okay now i know.
ReplyDeletei misshoooooo!
WELCOME BACK-LA!!! HEHEHE
I miss you too KC! :D
DeleteI am so back-la!
ps
ReplyDeletekaso dahil sa pagbabago ng link at nawala ang binabasa ni matilda, hindi kaya magduda siya lalo at maghinala dahil noong time na sinabi mo sa kaniya, bigla na lang itong nawala?
naku ipatumba mo na yang si matilda. charot. haha
So far, hindi pa naman niya ako ina-approach ulit. Sana nalimutan na niya. *huhu*
Deletekaya pala wala akong makitang entry sa reading list ko mula sayo. hindi ako ganun kakomportable sa ilang stories mo pero, gusto ko ang writing style mo, kaya sayang lang kung mawawala dahil sa mga taong mahilig umusyoso.
ReplyDeleteanyways, pwede bang maging fc? i'm looking forward sa mga entry mo.hehe
Thanks for reading my stories Froi. Pero if hindi ka comfortable, don't force it, I would understand. :)
DeleteAno ibig sabihin ng FC? Di ako familiar sa initials na to. *hehe*
Welcome! Ok lang naman, I've been hearing stories din naman sa ilang friends ko, about this certain topic, at first naaakwardan pa ako, pero nung huli ok na, since naiisip ko na kinukwento nila sa akin yun dahil tiwala naman sila. Saka iniisip ko ring isatitik yung mga kwentong yun, pero baka kelangan ko muna ang approval nila. Wahaha! (evil laugh)
DeleteAng FC palang Feeling Close yan. Since ikaw rin naman yung mahilig pumasyal sa crib ko, magpapaFC na ako dito.wahaha!
So... I'm thinking na you are a straight guy with gay friends, tama? Or are you one of us too? *hehe*
DeleteWag nang FC; close na talaga tayo mula ngayon! *haha*
I would prefer the first one, since as far as I could remember sinabi mo namang walang gray areas pagdating sa topic na 'to.hehe
DeleteSige, that's great. wahaha! nice one. me bago na akong friend mula sa blogosphere!
Ah... Mabuti na yung malinaw. Sayang, cute ka pa naman. *hihi*
Deletedapat inalam mo na rin anong pakay sayo nung pechay. malay mo pwede namang idaan sa matinong usapan, or matinding hadahan if that what she prefers. I hate such mind games, lalo na kung ako dehado. haha
ReplyDeleteanyway, nice for you to be back. Kala namin forever farewell ang iyong biglang paglisan.
Well, coffee or cakes sometime?
Jjampong would like to meet you. hehe
Nai-imagine ko pa lang na hinahada ako ng isang bilat, nangingisay na ko. Yak! *haha*
DeleteAkala ko rin it's the end for me eh. Oh well, thanks Vic. I would like to meet the two of you as well. Kaso yung work shift ko this month is so inconvenient. *sigh* I prefer cakes though. ;)
well, my sched's versatile this month. just give us a heads up.
Deleteor down. whichever you prefer.hehe
Yeah, I'll let you know in advance. ;)
DeleteUy, maligayang pagbabalik!!
ReplyDeleteThanks JM. :)
Deleteinemail kaya kita di ka naman sumagot
ReplyDeleteSorry Seth. If I remember correctly, nung nabasa ko yung e-mail mo, busy ang utak ko sa problema. Di ko na nabalikan yung message mo para sagutin. :(
Deletekaka-message ko lang sayo na wala ka nang blog pero heto kaaa. hahaha.
ReplyDeleteSaan ka nag-message, Daniel? :)
DeleteOnce a blogger always a blogger. Parang once you go black you'll never go back kahit kadiri isipin. Look at me. I blogged, I stopped, I blogged, stopped, and do it all over again.
ReplyDeleteGlad that you're back. It's fascinating to read your stories. Minsan kape tayo habang lumalafang ng cake at nagkukwentuhan.
Sure Jeki, I would love to hear your stories, especially kung personal. :)
DeleteSep, di ka na nag-aappear sa blog roll ko. Kaya pala. Wala ka man lang pagtimbre na nagpalit ka ng URL! :)
ReplyDeleteSorry po, Ser OP. Pakipalitan lang po. Maraming salamat! :D
DeleteSorry is not enough Sep. Dapat padalhan mo ako dito ng tatlong kilong black organic rice, tig-isang malaking bote ng shampoo at conditioner, isang malaking tube ng toothpaste at isang magandang post card :)
DeletePwede po bang ibigay ko na lang sa personal? *hihihi*
Deletedapat tuluyan mo nang hinambalos ng keyboard ag impaktita. tsismosa masyado. char!!!! ingat na lang sa susunod.
ReplyDelete*hahaha* Kung pwede lang pati buong computer na eh. :P
DeleteYou're back! Akala ko totally nawala na tong blog na to. Sobrang namiss ko mga stories mo. Well, ngyn ko lang nakita na bumalik ka na pala - June pa LOL. Anyway, still an avid "fan". Welcome back :) John
ReplyDeleteJohn! Na-miss kita! *hahaha* Spread the good news, will ya? :)
Delete