"
Sigurado ka bang hindi alam ni Rey ang tungkol dito?" I began.
It was a warm day with cloudy skies. I was sitting on a couch inside this overrated coffeehouse, while Theo sat uncomfortably in front of me. I could see that he's a little hesitant to talk.
"
Oo... Geosef, kelangan ba talaga 'to?"
"
At bakit naman hindi? Kelangan matapos na 'tong kalohokan niyo."
"
Anong kalokohan?"
I chuckled.
"
Alam mo namang best friend ako ni Rey, di ba? Malamang naikekwento niya lahat sa akin... Ayaw ko sana mangialam kasi hindi ko naman 'yun talaga ugali, isa pa eh hindi pa rin naman kita lubos na kilala, pero sa mga nangyayari ngayon, sumosobra na ata... Aba, kawawa naman na 'yung kaibigan ko. Hanggang kelan mo siya papahirapan? Kelangan ba talagang idamay mo pa siya sa pinagdadaanan mo?"
He became silent, but I waited for his answer.
"
Madaling magsalita 'no? Kung alam mo lang din ang nararamdaman ko... Wala ka kasing idea..."
"
Eh kaya nga tayo nandito ngayon. Para mag-usap... Willing naman ako na marinig ang side mo. Wag ka mag-alala, hindi kita papangunahan kay Rey..."
Another moment of silence; this time, Theo was eyeing me intently.
"
Ok... Pero I have two conditions. Una, you'll let me finish my story. At pangalawa, you won't judge me prematurely."
I gave him a cordial nod, then he started talking.
He told me things Rey never mentioned before: how Theo and Justin started, their setup (or rather the abuse), the good things (they are not, really; he just thinks they are), and the bad things (which, for me, is everything they had, including their relationship itself). He also told me information I already know: how Justin dumped him without second thoughts, the excruciating distress he experienced because of it, and the premise of his current relationship with my best friend. As he was telling his side of the story, he began to become emotional and a bit teary-eyed. It was awful to hear all of that, but I had to; I needed to see the bigger picture.
I felt that there was something more he would like to say, so I asked, "
Tapos ka na ba?"
He didn't answer. His gaze was fixed on the cup in his hands.
"
Bakit kelangan idamay mo pa si Rey? Oo, umamin siya sa'yo at siya ang nag-propose ng idea, pero bakit ka pumayag? Lalo na't alam mo namang unstable pa ang emotions mo. Kung talagang best friend mo rin si Rey, tatanggi ka... Di mo ba napapansin na parang ginagawa mo rin sa kaibigan ko ang ginawa sa'yo ni Justin?"
He kept mummed. I sighed.
"
Wala naman tayong mapapala kung hindi ka sasagot, Theo..."
"
Hindi ako komportable kasi galit ka sa akin..."
That surprised me; I didn't expect that.
I gave him a short laugh and said, "
Okay, okay. Sorry kung 'yan ang feeling mo... But really, I'm not. Gusto kong tumulong, hindi lang kay Rey, kundi pati na din sayo. Pasensya na kung mukha akong naiinis... Reset tayo, okay?"
He smiled; it was small but appreciative.
"
Okay. May tanong ako... May naramdaman ka ba kay Rey, kahit kaunting pagmamahal, nung umamin siya sayo?"
"
Wala..."
"
Eh ngayong mag-aapat na buwan na kayo?"
"
Wala pa rin..."
"
Pero bakit? I mean, bakit mo pa pinapahaba?"
"
Kasi ayaw kong mawala si Rey... Siya ang pinaka-takbuhan ko nung panahong kami pa ni Justin. Siya ang pinaka-umalalay sa akin sa difficulties na dinanas ko... Nung umamin siya sa'kin matapos akong iwan ni Justin, natakot ako na kapag tinanggihan ko ang alok nya, na kapag ni-reject ko siya, baka iwasan at layuan n'ya ako. And I can't afford to lose Rey too, Geosef... Importante din naman siya sa akin..."
"
Aware ba siya na wala kang nararamdaman para sa kanya?"
"
Napag-usapan na namin 'yan nung una pa lang... Sabi naman niya, okay lang daw kasi rebound thing lang naman. Para lang maka-move on na ko..."
"
Hindi mo ba alam na umaasa siya na hindi lang 'rebound thing' ito? Alam mo bang hinihiling niya na sana mahalin mo din siya at magiging kayo ng matagal?"
This time, it was him who was taken aback.
"
So, at least ngayon alam mo na... Effective naman ba itong ginagawa niyo ni Rey? Siguro naman naka-move on ka na kahit papano. Dumaan na ang 3 months eh."
"
Yun nga Geosef... Actually, parang walang improvement... Aaminin ko, within the first month mula ng breakup, para akong baliw na ewan. After mag-resign ni Justin, may times na pumupunta ako sa mga madalas niyang tinatambayan, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Naging stalker din ako sa social networking sites niya. Para akong agila na nakabantay sa hapunan ko... At hindi alam ni Rey ang mga yan. Akala niya ginagawa ko ang lahat para tulungan ang sarili ko na makabangon... Wala siyang idea na ang dami kong ginawang paraan para makita lang ulit ang ex ko...
"
Buti na lang, nabawasan lahat ng 'yon nung naka-abot na kami sa pangalawang buwan. Unti-unti ko na nari-realize ang sitwasyon. Nakakabangon na ko kahit papaano. Hindi ko na hinahanap si Justin gaya nung una..."
"
Oo nga eh, for a month parang nabawasan ang mga hinanaing sa akin ni Rey. Kesyo okay ka na daw, bumabalik na daw ang timbang mo sa dati, nakakatulog ka na daw ng maayos... Akala ko tuloy-tuloy na yan. Hanggang sa around 3 weeks ago, madalas na naman niya akong tawagan at i-text. Matamlay ka na naman daw at palaging wala sa sarili... Bakit, ano ba ang nangyari? Bakit mo nasabi kanina na 'parang walang improvement'?"
He looked down. I noticed his sudden change of expression, from relaxed to melancholic.
"
Earlier this month, may na-receive akong text mula kay Justin. It was the first time na kinontak niya ko uli. Miss na daw niya ako at naisip niya na nagkamali daw siya. Na-realize niyang mahal niya pala talaga ako... It was surreal Geosef, nung mabasa ko 'yun. Hindi ko alam kung nasa langit ba ako o nasa impyerno ulit... Sagot ko sa kanya, meron na akong bagong boyfriend at unti-unti na kong nagmu-move on. Sabi niya huwag daw, kasi sayang naman ang relasyon namin. May pagkakataon pa raw kaming maging masaya, gagawin niya ang lahat para hindi na ako ulit mahirapan at malungkot. Nangako siya na hindi na niya uulitin 'yung mga nagawa niyang hindi maganda... Pinagsisihan na raw niya ang mga 'yon... Natuto na siya... Kaya sana pumayag na daw ako na magkabalikan kami..."
"
At ano naman ang sagot mo?"
"
Sabi ko na lang, pag-iisipan ko muna..."
That one, I wasn't surprised. I guess I could say I saw that one coming.
"
You should understand, Geosef. It was very tempting... And I'm considering it, sa totoo lang. Pero hindi ko magawang maharap si Rey..."
"
Don't worry, Theo. I'm not judging you. Pinipilit kong intindihin ang nararamdaman mo..."
"
After nang pag-uusap namin, madalas na niya kong i-text. Halos araw-araw, hanggang ngayon. Nangangamusta at humihingi ng update sa desisyon ko... At habang tumatagal, lalo siyang nagiging mapilit. In turn, lalo naman akong napapaisip..."
We both exhaled deeply, but his was longer.
"
Help me Geosef... I'm so confused... Ano ang gagawin ko?"
"
I'm going to speak my mind, may I? Ito na din ang verdict ko."
"
Go ahead..."
"
You are stupid, at alam kong alam mo yan... Alam mo kung sino ang dapat mong piliin? Wala. Obviously, hindi si Rey. Kung nagagawa mong i-consider ang sinasabi ng tarantado mong ex, hindi ka karapat-dapat sa best friend ko. Spare him the pain hangga't maaga pa. Kung hindi mo siya kayang mahalin, please don't use him. Kasi kung ganon lang, wala ka ring pinagkaiba kay Justin, user and insensitive to the point na wala nang puso.
"
At siyempre, lalong hindi mo dapat balikan si Justin. I don't think na sincere siya sa mga sinabi niya. C'mon, don't fall for that again. Di ka naman siguro pinalaki ng magulang mo para magpa-alipin sa ibang tao, lalo na 'yung mga halang ang kaluluwa. Nabuhay ka nga sa mundo ng 20 years na wala 'yung Justin na yun eh. Hindi mo siya kelangan para huminga, matulog, kumain, at kung ano-ano pang shit sa buhay... Pustahan tayo, itataya ko ang isang bayag ko, mararanasan mo lang din ulit 'yung mga ginawa niya sayo noon. And sooner or later, iiwan ka lang rin niya kapag wala ka nang pakinabang sa kanya.
"
Ang dapat mong piliin ay ang sarili mo. Wala ng iba. Self-respect lang Theo, at self-control. Mahirap pero kaya 'yun. Gawin mo ang lahat para bumalik sa dati mong sarili. Umiwas ka sa ex mo at 'yung mga bagay na nakakapag-paalala sa kanya. At kung pwede, umiwas ka din sa best friend ko para maka-move on din siya. Find a new hobby, lumipat ka sa ibang company, or look for solace in the presence of your family. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang ibang tao."
"
Eh paano kung isa sa kanila ang piliin ko?"
"
Kung si Justin ang pipiliin mo, then wag na wag ka nang magpapakita sa best friend ko. Bahala ka na sa buhay mo. Kung ano man ang mangyayari sa'yo, kargo mo na ang sarili mo. Pero wag na wag mo nang idadamay ulit si Rey, kasi pati ako nasasali. Ako ng bahala sa kaibigan ko after mo siyang iwan. Hiwalayan mo siya, tapos maglaho ka na parang bula. Magiging mas madali 'yun para sa kanya...
"
If si Rey—teka, di mo naman siya mahal, di ba? I don't think na pipiliin mo siya. Pero kung sakali man, then do everything para mag-work ang plano niyo nung una pa lang. Gaya nang sabi ko kanina, iwasan mo na si Justin. Learn to appreciate Rey. Do your best to reciprocate his love. Be honest with him. Kung bigla mong maalala ang ex mo, tell Rey. If suddenly makaramdam ka ng lungkot, sabihin mo sa kaibigan ko. Kapag feeling mo gusto mong makita si Justin, si Rey ang hanapin mo. Yung mga tipong ganun... Mas magiging effective kayo if magiging open kayo sa isa't-isa. No more secrets."
I let him have several minutes of silence to ponder my lengthy advice. I slurped the remaining whipped cream sitting at the bottom of my cup.
"
Thanks Geosef. I really needed that..."
I smiled at him.
"
Tsaka mo na lang ako pasalamatan kapag naging maganda ang kahahantungan nito..."
To be concluded...