For me, Christmas is about spending it with family, and this time, gusto kong magkwento ng something close to home (pun intended). We are six in the family: si Mama, si Papa, ako, at ang 3 younger brothers ko. Yes folks, si Mama lang ang girlalu. Siyempre hindi ako counted kasi wala naman akong pekpek. Technically, kung isasama si Papa, pwede na kaming bumuo ng isang basketball team. Pero tsaka na ang parents ko. For this entry, gusto ko namang makilala niyo ang mga kapatid ko.
Unahin ko na si Gavriel, yung sumunod sa akin. Unlike me, masipag siya sa gawaing bahay, at mas naaasahan siya nila Mama at Papa. Sabi nila, kaya daw payat si Yel ay dahil kilos ng kilos; hindi gaya ko na patabaing baboy. I am 5 years older than him, pero minsan, mas matanda pa siya sa akin kung mag-isip. Kapag kasi nakakaaway ko si Mama at naglalabas ako kay Yel ng sama ng loob, palagi niya akong sinasaway at pinagsasabihan. At dahil nahihiya naman ako sa kapatid ko, wala akong magawa kundi makinig. Siya ang dahilan kung bakit hindi natutuloy ang mga balak kong pagrerebelde. Baligtad, di ba?
Dalawa ang meron si Yel na wala ako: tangkad at maputing kutis. May mga nagsasabing mukha raw siyang Fil-Am, kahit wala ni isa sa magulang ko ang mukhang Amerikano. Hindi kami mapagkakamalang magkapatid dahil mukha akong Hapon; hindi ko pa nako-confirm hanggang ngayon kung sino sa amin ang ampon.
Next year, ga-graduate na siya mula sa pag-aaral ng Marine Transportation. Hindi ko sigurado kung bakit ito ang pinili niya. Marahil dahil sa malaki ang sahod na bigay nito. O baka idol niya lang si Popeye. Kaso, gaya ni Papa, kelangan niyang tiisin ang sakripisyo ng pagiging malayo sa pamilya. So simula late 2014, malamang makikita ko na lang siya tuwing uuwi siya galing ng barko. Iyon ay kung sa Pinas pa din ako nagtatrabaho. Hindi ko alam kung mami-miss ko ba siya. Siguro naman oo, kasi wala na akong matinong mauutusan sa bahay.
Kung ano ang ikinasipag ni Yel, iyon naman ang ikinatamad ng sumunod sa kanya. Kung tamad ako, mas saksakan itong si Geoffrey. As in. Siya ang salitang 'sloth', personified. Kahit awayin mo siya ng bonggang-bongga, hindi pa rin siya kikilos. Wag mo ng tangkain na utusan siya, kasi sasabihan ka lang niya ng, "Wag mo ng i-push, maaasar ka lang sa akin." Bwisit talaga. Isa pang kinaiinis ko ay kahit na natutulog siya nung oras na nagpamudmod si Lord ng kasipagan, maganda pa din ang katawan niya. Iniisip ko na lang na nasa puberty stage lang siya kaya ganun. Tataba rin siya balang araw dahil sa katamaran niya. *insert evil laugh here*
Gaya ni Richard Gomez, itong si Jop ay tall, dark, and handsome. Hindi man siya maputi like Yel, maraming nagsasabi na siya ang pinakagwapo sa aming apat. Ok fine. Matagal ko ng tanggap iyon, kasi totoo naman. Wag na lang sana nilang ipangalandakan pa. Inggit lang much... Si Jop rin ang pinaka-introvert sa amin. Madalas nasa isang sulok lang ng bahay. Kung wala siya sa harap ng laptop, malamang makikita mo siyang nakahiga sa kung saan at nakapako ang mga mata sa smartphone niya. Kapag lumalabas kami, kelangan pang pilitin para sumama. Kapag nanonood kami ng movie, palaging may ibang pinagkakaabalahan.
Graduating na rin itong si Jop next year. Balita ko ay Computer Programming ang balak niyang kunin sa college. Dati pumayag na siya sa Engineering, kaso naimpluwensyahan ata ng mga kaklase niyang gamer kaya nagbago ng isip. Techie kasi ito at mabarkada. Nitong school year, napapadalas ang alis niya kakasama sa tropa. Hindi na ako nagtatampo kasi malambing naman siya kahit papaano sa magulang namin. At minsan, nagpapalambing rin naman siya sa akin kahit papaano.
Hindi ko itinatago na sa tatlo kong kapatid, meron akong pinakapaborito. Sino pa ba kundi ang pinakabata, si Gerwyn. Agree ako dun sa sabi-sabi na usually ang pinakanagkakasundo ay ang panganay at ang bunso. Even though 1st year high school na itong si Winwin, madalas ko pa rin siyang niyayakap at pinupupog ng halik. Halos lagpas balikat ko pa rin kasi siya, kaya hindi mahirap baby-hin. Madalas ikinaiinis na niya ito, pero alam kong gusto rin naman niya kasi hinahayaan niya lang ako. Siguro titigil lang ako kapag nagkaroon na siya ng syota. Pero hangga't di pa nangyayari iyon, baby brother pa din ang tingin ko sa kaniya.
At dahil si Winwin ang peborit ko, siyempre spoiled ko iyan. Karamihan sa request niya, sinusunod ko hangga't kaya ko at ng bulsa ko. "Kuya, mag-uwi ka ng J.Co." "Kuya akin na lang yung cellphone mo kapag may bago ka na." "Kuya, bilhan mo ko ng bagong polo at sapatos." "Kuya, nood tayo ng sine." "Kuya, gusto ko ng PS3." "Kuya, gawin mo project ko." Kapag hindi natupad ang gusto, magsusungit na lang iyan hanggang sa susunod niya uling request. Natatawa na lang ako kasi ang cute niya magtampo, kahit minsan gusto ko ng umbagan.
Hindi ko sigurado kung kahinaan bang maituturing ito, pero si Winwin ay ang klase ng tao na madaling maimpluwensyahan. Iniisip ko kung dahil ba sa ipinanganak siya matapos dumaan ang bagong millenium. Noon, dahil sa pinsan namin, nahilig siya sa paglalaro ng basketball, kahit na obvious na kulang siya sa height. Kinakarir niya ang mga liga tuwing summer, kahit lagi naman siyang bench-warmer lang. Well, at least athletic siya, di gaya ko. Tapos, nakahiligan naman niya ang pagsusuot ng mala-gangster na mga damit. Hindi ko alam kung sino ang ginagaya niya, pero kung sino man iyon, gusto ko siyang ipaligpit. Nakaka-bwisit eh. For months, we had to tolerate his outfits. Oversized shirts, jejecap, long and baggy jersey shorts, chain necklace, etc. Minsan, sobra na lang ang pagpipigil ko na silaban ang aparador niya. Akala ko'y hindi na siya makaka-move on sa "jeje phase" na iyon, hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang pagsasayaw. Isinali siya sa dancing competition sa school nila. Pagkatapos nilang manalo, palagi na siyang pumoporma na parang dancer. Oks na sa amin yun; mas acceptable kaysa mukhang jejemon. Sana lang, hindi niya makahiligan ang Chicser, kundi ewan ko na lang.
Ganyan man ang aking mga kapatid, meron akong isang bagay na pinagmamalaki ko: hindi nila nakasanayan ang pagmumura. Alam kong marami rin silang alam na bad words dahil madalas nilang naririnig ang mga ito mula sa akin, pero never ko sila naringgan na magsalita, kahit magalit man sila o magulat. Siguro ay dahil sa lumaki sila sa probinsya, in contrast sa mga pinsan namin na laking Maynila. Kung nagmumura man sila kapag kasama mga kaibigan nila, wala na sa akin, as long as hindi nila ginagawa sa bahay.
Confident and thankful din ako na walang bakla ni isa sa kanila. Na ako lang ang naging ganito. Sapat na ang isa sa pamilya namin. Mas prefer ko na magkaroon sila ng sarili nilang pamilya at magkaroon ng kanya-kanyang mga anak. Ayaw kong maranasan nila ang hirap ng buhay ng mga kagaya ko. Alam kong may idea na rin sila tungkol sa kasarian ko, hindi na ako masyadong nage-effort na itago pa. Though straight-acting pa din naman ako sa harap nila. Kilala din naman nila si Ace; I'm sure pansin na nila ang kakaibang closeness namin. Dahil bata pa sila, ayaw ko munang umamin sa kanila dahil ayaw kong mawalan sila ng respeto sa akin. Isa iyon sa mga kinakatakot ko. Isa pa, hindi rin naman sila nagtatanong. Sana if ever malaman man nila, walang magbabago. I'm being optimistic.
Mabuti ba akong kuya? Hindi ko alam. Siguro oo, marahil hindi, or baka so-so lang. Noong mga mas bata sila, madalas ko silang asarin at paiyakin, lalo na sila Yel at Jop. Hindi naman mawawala ang awayan sa magkakapatid eh, normal lang iyon. Ang mahalaga, at the end of the day, deep inside ay mahal at nirerespeto niyo pa rin ang isa't-isa. Na kahit anong gawin ng isa, handa kayong umintindi at magpatawad, lalo na ang mas nakatatanda. To rephrase what Maya Angelou said, an accident of birth doesn't make people instant brothers. It makes them siblings, yes, because of mutuality of parentage. Being brothers is a condition people have to work at. O di ba, ang taray, pero swak lang ang meaning. Basta ako, isa lang ang sigurado ako, iwan man silang tatlo ng lahat ng tao sa buhay nila, hinding-hindi ako mawawala sa tabi nila. Nandito ako, maaasahan nila hanggang nabubuhay ako. Period, no erase, padlock.
"There's no other love like the love for a brother.
There's no other love like the love from a brother."
~ Terri Guillemets
Aw sweet kayong apat.
ReplyDeleteSamin namang tatlo ako ang nawalay. Ako kasi nasubsob sa studies at barkada. Kaya mas close yung dalawa. Pero mas kasundo ko si lil sis. Kahit napipikon na sya minsan sakin.
Ay nako pano pa kya kaming magkakapatid na balibaligtad pa ata? Wala na ata magbibigay kay parents ng apo.
Kita naman kasi madalas mong ikwento ang lil sis mo. *hehe* Siya rin ang madalas mong kasama. Sana lang maging close mo din yung isa.
DeleteWell, you can always adopt, di ba? :)
Tahimik masyado ung isa. As in super duper opposites kami.
DeleteAs for the adoption, ive tot of that ewan konga lang kung ok kay partner.
Wag nyo muna pagusapan ang adoption, it's too early pa. Sikapin nyo kuna patatagin ang foundation nyo ni partner before moving on to bigger things. :)
DeleteSa kanilang tatlo, si Jop pa rin pinaka paborito ko. Kahit halatang pinaka mahiyain sa inyong lahat, sya lang nakikipag kwentuhan sa akin. hehehe.
ReplyDeleteOne thing I learned from being a middle child, enjoy your siblings' childhood and presence while it lasts. Ambilis ng mga pangyayari when my two elder brothers has to leave home to work and have their own family. When they come home, saglit na lang sila at di na tulad nang dati ang asaran. Kaya ako, kahit awkward, bini-baby ko pa din ang 26 yr-old younger sisters ko. Sinusulit ko na bago pati sila eh mag asawa na din.
~Ace
Uy, napadaan ka. *hehe*
DeleteIt's nice that you are at least close to your brothers. I'm not with mine.
ReplyDeleteWhy not? :(
DeleteNakakahipo naman ang entry. Napaisip tuloy ako kung may naisulat ba akong maganda tungkol sa mga utol ko. Haha.
ReplyDeleteKung meron man, share mo naman yung link dito. I wanna read it. :)
Deleteawww. inggit much.
ReplyDeleteako hindi ako masyadong close sa aking mga kapatid. well nung bata yung bunso kong sister mas close kami. kaso simula noong naghigh school ako hindi na. sad.
hindi rin ako close sa kuya ko. howell haha.
yang si yel kaya mature yan kasi middle child! mabuhay ang mga middle child! nyahaha i mean we are very independent. haha kumusta naman ang pagpupush ko rito ng middle child. haha
Ay bakit naman? It makes me sad kapag meron mga hindi magkasundong magkakapatid. Nasasayang ang potential for a great relationship. But I guess it doesn't work for everyone, unfortunately.
DeleteI agree. Mas maaasahan talaga ang mga middle child kesa sa panganay at bunso. *hehe*
Why do i have to agree wth this. Mas mabait nga rin middle child samin
Delete*hahaha* Based on real life. :P
DeleteWell iba kaming middle child e! Hahaha
DeleteHindi naman sa hindi kami magkakasundo, hindi lang kami close. Naguusap naman pero hindi kami naghahang out unlike other sibs. Naiinggit nga ako sa mga ganun e. Grabe huling nood ko ng sine kasama ang kuya ko space jam pa yata yun! Imagine??? Hehe
Well, at least di kayo nag-aaway gaya ng Barretto sisters. *hehe* Grabe ang tagal na ng Space Jam ah? Try mo kaya yayain, tutal magpapasko na naman. :)
Deleteoh my bunso ako pero im have the same characteristics tulad ni Gavriel and hindi ko naranasan ang magkaroon ng bunsong kapatid, dahil ako na ang bunso!! hehehehe..
ReplyDeleteand hindi totoo na maasahan ang middle child, 3 kami and si middle child namin, mejo waley! ahahahha
Close din ba kayo ni panganay? *hehe* Masarap ba maging bunso?
DeleteWell, madalas sila din yung mga emo. :P
yup, close kami considering din na girl siya,,
ReplyDeletebut now we're not in good terms, mejo histrionic kasi solong girl sa buong magpipinsan namin.. ahahaha
basta middle child for me tends to be the rebellious one.
:P
Actually, marami rin ang nagsasabi nyan. *hehe*
DeleteNakaka-touch naman itong entry na ito about brotherhood ... in my case , dalawa lang kaming magkapatid and ako bilang panganay ang only one na pink ang hasang he he he ... pampered at favorite ng family ang aking bunsong kapatid .. dahil daw siya ang mas tunay na lalaki ... at sa case ko naman ay imbyerna sila dahil nga girlalu me lalo na si father.... comparison blues everyhour and everytime he he ...at dun ako namulat sa ganung set-up ... pero ngayon okay naman na so far ... may kani-kaniya na kaming buhay ... although hindi naman kami close ng brother ko ... hindi naman kami nag-aaway ... yun lang .. maka-share lang : )
ReplyDeleteEncouraged ang sharing dito Sir Ed. *hehe* Buti at natutunan mo ng mag-adapt sa situation nyo sa pamilya. I hope they are not giving you a hard time, at sana ang kaligayahan mo na lamang ang kanilang isipin. :)
DeleteI spent most of my adolescent years na hindi nakatira sa bahay, dahil pinapaaral ako noon nung isa kong distant relative. The thing is that hindi na ako nagkaroon ng panahon para maging kuya sa mga sumunod kong kapatid. Nung nagsimula na akong magtrabaho saka na ako bumalik sa bahay, yun nga lang, sa twing matatapos lng ang kontrata ko at bakasyon ko.Nakakalungkot, dahil parang wala na akong alam tungkol sa mga kapatid ko, sa buhay nila, sa mga nangyari sa kanila, etc.
ReplyDeleteKaya nakakatuwa ang sitwasyon ninyo, close kahit papano. At nagagampanan mo ang pagiging Kuya ng mga kapatid mo. :)
DeleteThere will always be a time to catch up, Froi. And if ever that happens, make it count. Lubos-lubosin nyo na. :)
Deletesa tingin ko mas magulo pa kaming dalawa ng kapatid ko kaysa sa inyong 6. Sometimes i do wonder how first-borns like you survive. Binabad trip ako minsan ng kapatid ko eh. Dalawa pa kami niyan. Minsan sa galit ko sa kanya naibili ko siya ng iPhone 4. This is true. I've told this story in my blog and in comments a hundred times. Eto nga nung nabanggit ko na namatay si Nelson Mandela, she asked sino daw yun, muntik ko na masakal. Ganon lang talaga kami maglambingan. Hahaha!
ReplyDeleteAnyway, buti na lang at hindi lahat palahingi sayo na panganay. hehehe! Nakakatuwa naman si Gavriel. Siya nga yung kapatid na sumisimot sa mga supposedly duty ng first-born child. Ayun, medyo first-born din ang dating. As for Geoffrey, well normal yata yun sa mga nagbibinata, yung maging tamad. Nasa hormones daw or part of growing up. Mawawala din daw yun sa adulthood. Teka ilang taon na ba siya?
Pero masaya na rin ako at iisa lang ang kapatid ko. Kasi kung anim din kami, kawawa na naman ang wallet ko this Christmas. Napakakuripot ko pa man din. hahaha!
i love the music here in your blog. Johnoy Danao's the best! Ikaw at Ako is one of my favourites!
Ang sweet mo naman pala kapag nagagalit Mr. Tripster! *hehe* Galante ka magalit huh.
DeleteMedyo nahihiya nga ako kay Yel eh, pero I guess accepted na naman niya. Si Jop, ang alam ko 15 na siya. Well, I hope so. Walang kinabukasan ang mga tamad eh. :P
Thanks, nakaka-inlove talaga ang tunog ni Danao. :)
Bakit invisible ang FB account mo?!? nappdaan, wala pang time to blog hop...
ReplyDeleteI decided to deactivate if for now, Senyor. May personal issues lang ako. :P
Deletedeactivate so temporary lang?!? kita tayo sa Sunday ha... got my SMS?
DeleteSureness. :)
DeleteIkaw ba yung 0949? Nag-reply ako ng confirmation ah.
It's nice meeting your family. thanks din sa pagshare mo ng observations and point of views mo tungkol sa kanila.
ReplyDeleteI can sense na isa kang responsableng kapatid sa kanila at ang gusto mo lang ay ang mabuti para sa kanila.
Welcome po! I'm glad that you find this a good read. :3
DeleteTotoo yan. *hehe* Maraming salamat!
Rest lang muna sa mga naughty post, hehe. Kahapon ko pa gusto magkomento kaya lang busy-busyhan sa office. (hala nag-explain!)
ReplyDeleteKami rin puro lalake kung nabuhay nga lahat seven kami pero due to series of unfortunate events (parang movie lang ah) tatlo na lang kaming natira at ako ang naging panganay.
Hindi madali ang maging panganay parang requirements na dapat mahusay ka sa decision making at matino ang buhay mo. We're not that close sa mga brother ko pero civil naman kami mahirap isipin kung sa'n ako namali siguro mas angkop sa 'kin na maintindihan ang situation.
Ayan thru this, dami na nagsharing ng kanilang sibling issues.
Good provider ka pala na kapatid Keep it up :)
Work muna Kuya! *hehe*
DeleteAwww. So apat ang nawala. That's unfortunate. May blogpost ka ba about that? Curious ako malaman kung bakit. :(
Oo nga eh. I'm glad na nakakapag-share ang ibang bloggers sa entry kong ito. Nakakatuwa. :D
Just sharing, close din kmi ng mga kapatid ko when we were younger. Nang nagasawa na ang lahat, nagiba na rin ang mga priorities and stories to share. May mga hideaan. May mga inggitan. Enjoy your relationships with your brothers at this time. Once they leave the comfort of your home, things might change. Love this post! Now I know who Ace is, thanks!
ReplyDeleteAwww. Sana hindi maging ganun ang kahantungan namin. :(
DeleteThanks Jonathan. *hugs*
Kaya dapat approved din sa iyo the girlfriends and wife to be in the future.
Delete*uhm* May tiwala naman ako sa taste nilang 3. *hehe*
Deletebest kuya ka! well na touch ako dun sa sinabi mo n okey na ikaw ang ganyan wag lang sila ... naiyak ako dun ng slight hahaha sabay tulo luha sa kabilang mata mala judy ann santos
ReplyDelete*hahaha* Thanks Josh. I'm doing my best to be a good kuya. :)
Deletethat's what bros are for. good for you to have brothers.. at tatlo pa. :)
ReplyDelete